Chapter 5

171 11 0
                                        

Tien's POV

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko...
Dali dali kong tinignan ang orasan ko ngunit wala pala akong makitang orasan. At hindi ko rin alam kung nasaan ako! Sh*t!

Asan ako!!?? Late nako sa trabaho ko!!! Anong oras na ba!

Bumukas yung pintuan ng kwarto at pumasok si Kerby???
Nasapo ko noo ko dahil siya pala ang huling kasama ko kagabi na nag sasayaw.
Pero hindi ko ma alala kung bakit at paano ako nandito?

"Gising ka na pala, inumin mo to mukhang tama nga hinali ko, sumakit ulo mo sa hangover" sabay abot ng tubig at gamot.

"Thank you" sabi ko at inabot ang binibigay kahit gulong gulo parin ako.

"Tinawagan ko na clinic mo, sinabi kong di ka makakapasok ngayon dahil may sakit ka" sabi niya at muntik ko pang maibuga ang iniinom kong tubig.

"Wha—t?? Bakit mo sila tinawagan!? At sinong nag sabi na di ako papasok?" Gulat at galit kong sabi. Ano nalang iisipin nila? Na kabago bago ko lang nag absent nako! At hindi lang yon...lalake pa ang tumawag sakanila na diko naman pamilya!

"Don't worry, sinabi kong pinsan mo ako noong tinanong kung ka ano ano kita" natatawang sabi niya. Tsk! Pano niya nagagawang tumawa?

"Bakit pala ako andito?" Tanong ko sakanya.

"Ayaw mo kasing ibigay address mo sakin kagabi kaya dinaretyo na kita dito" sabi niya. Di niya alam? E diba nga nag padala pa ng bulaklak? Hindi ba't sakanya galing iyon?

"Bakit di mo alam?" Tanong ko sakanya.

"Huh? Lasing ka pa ba? Diba nga sabi ko na ayaw mong sabihin sakin kagabi" ulit niya. Tsk alam ko! Narinig ko!

"Bakit nga di mo alam eh diba nag padala ka pa ng bulaklak at may pa welcome back Snow ka pa?" Tanong ko ulit...

"Oo nga no, bakit diko yun naisip? Hindi ko pa nga kasi napupuntahan at pinahanap ko lang sa sekretarya ko address mo, kaya di ako aware na alam ko pala. Isa pa naka inom rin ako" sagot niya sa tanong ko. Nasapo ko nalang ang noo ko at umiling iling pagka tapos. Ito ba talaga yung taong nagustuhan ko non!? Tsk!

"Tara na at pinag luto kita ng almusal"yaya niya sa akin.

Tumayo naman ako at saka sinundan siya.

"Luto mo ba to?" Tanong ko sakanya.

"Oo, masarap ba?" Tanong niya rin sakin. Napangiti nalang ako. Kanina pa akong nag simulang kumain pero ngayon lang kinamusta kung ano lasa ng luto niya para sa akin. Hahaha.

"Bakit mo pala pinahanap address ko? Stalker ka na ngayon?"
Natatawang tanong ko.

"Ahm hindi ah, gusto lang talaga kitang makausap." Sabi niya na nalungkot bahagya.

Di naman na ako umimik.

"Snow...ano palang nangyari sa atin?" Tanong niya sa akin.

"Ako ba lasing kagabi o ikaw? Bakit ako tinatanong mo kung ano nangyari sakin? Malay ko ba" natatawang biro ko dahil ayoko ng pag usapan yung nakaraan.

"Ang ibig kong sabihin...bakit di mo nalang ako pinansin noong highschool tayo? Bakit umalis ka na di mo man lang ako sinabihan? May nagawa ba akong kasalanan? Hanggang ngayon Snow, ina antay ko parin yung sagot sa mga katanungan ko na ikaw lang makakapag bigay" tuloy tuloy niyang aabi. Halos diko naman na malunok lunok mga kinakain ko.

"Bakit ganon nalang pag-iwas mo sa akin simula noong bumalik kayo galing Canada? Okay naman tayo pagka alis niyo noon diba? Lagi pa nga ako sa bahay niyo diba?" Tanong ulit niya. Ang tagal na ng nakalipas pero tanda niya parin.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now