"Upo ka muna, anong gusto mong maiinom?" Tanong ni Kerby pagkatapos namin' pumasok sa condo niya.
"Water nalang. Thanks" tugon ko, na masama parin ang kalooban ko. Hindi ko alam kung bakit ganon' niya nalang bastusin ang pinsan niya sa harap ng pamilya nila.
Bumalik naman ito na may hawak na wine glass sa kaliwang kamay at wine sa kanan'na kamay. Iba na yata ang meaning ng water sakanya. Tinignan ako saka ngumiti habang sinenyas ang hawak niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Kuha lang ako ng tubig mo" sabi niya habang inilalapag ang dala niya.
"Wag na" tipid kong sagot sakanya.
"Okay" sabi niya at saka binuksan ang wine at nag salin sa baso.
"Here"abot niya sa akin at kinuha ko naman, ininom ko lahat ang laman ng baso para matapos na at magpaliwanag na siya.
"Easy" sabi niya sa akin at sinamaan ko lang siya ng tingin sabay abot sakanya ang baso.
Akala ko, pag tapos kong inumin ang laman ay mag papaliwanag na siya, ngunit sinalinan niya lang ulit ito at saka ibinalik sakin ang baso. Napa buntong hininga nalang ako na tinanggap iyon. Uminom ako pero kaonti lang, di ko na lang mamadaliin dahil baka malasing akobat di ko rin lang marinig ang paliwanag niya.
"Ano na?" Inip kong tanong sakanya.
Huminga siya ng malalim at saka bumuntong hininga.
"Sorry" panimula niya.
"Ginawa ko yon dahil hindi mo man lang sinabi sa akin na nanliligaw na pala ang pinsan ko sayo. Kung di ka pa niya isinama, diko malalaman na nililigawan ka na niya" dagdag niya.
"Bakit ko naman sasabihin sayo? Hindi ka naman nag tanong. Tatay ba kita Kerby?"
"Hindi sa ganon, Snow. Kaibigan kita, at pinsan ko siya. Siguro naman may karapatan akong malaman diba?" Giit niya.
"Do you like me Kerby?" Daretsahan kong tanong sakanya na nakatitig sa mga mata niya.
Tinitigan niya ako, at akmang mag sasalita sana kaso di niya itinuloy. Bumuntong hininga muna siya at saka nag salita.
"Sinabi ko lang 'yon dahil gusto ko ng umalis don" sabi niya na kunwaring natatawa.
"Seriously?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Yeah" sabi niya na naupo sa tabi ko
"Di yon nakakatuwang biro Kerby, kung gusto mo palang umalis edi sana umalis ka na lang, di mo na sana ako isinama pa. At sa pagka alala ko, hindi ikaw yung kasama kong pumunta doon." Sagot ko sakanya at halatang galit na ang boses ko. Ito ba ang sinabi niyang pag uusapan namin? Itong walang kwentang bagay?
"Alam mo ang labo mo!!" Galit ko ng sabi at saka inilapag yung baso at naglakad papuntang pintuan.
"Wait..." pag pipigil niya sa akin at hinuli ang pulso ko.
Tinignan ko lang ang kamay niya at saka inakyat ang tingin ko sa mata niya. Nanlilisik na ang mata ko sakanya. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa niya diba!? Tapos dinala niya ako dito para mag usap, kaso walang kwenta mga sinasabi niya!
Kita ko naman sa mata niya ang pagsisisi. Dapat lang!
"Gabi na, dito ka na matulog." Sabi niya sa akin.
"May sarili akong condo Kerby. May sarili akong kama na tutulugan!" Giit ko sakanya.
"Pero wala kang sasakyan na dala, at hindi kita ihahatid. Kaya dito ka na matulog" ngisi niyang sabi.
Nagawa mo pang ngumisi sa ganitong sitwasyon!?? Tinabig ko ang kamay niya at binuksan ang pintuan. Maglalakad ako kung kakailanganin. Ayokong matulog sa condo ng isang tripper!
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
