Chapter 4

182 7 0
                                        

"Welcome back snow"

Snow? Nag iisang tao lang tumatawag sakin ng Snow. Pero kung tama ang pagka alala ko, 10 years ago pa niya huling binanggit ang pangalan ko. Kaya imposible na siya ang nag padala.

10 years ago...10 years ago na pala ang nakaraan. Sobrang tagal na pala. Sobrang tagal na pala ng huling patak ng luha ko.

Tinapos ko na ang pagligo ko at saka humarap sa salamin para ayusin ang sarili ko.

May date kasi ako. Gusto kong idate ang sarili ko. Hehe.
Sabi nga nila..."self love is the new relationship"

Nag bihis na ako pagkatapos kong mag lagay ng light make up.
Black pants at white long sleeve lang sinuot ko. Hinayaan ko lang na nakabukas ang tatlong butones ng long sleeve ko sa may dibdib ko, at saka nakatuck in.

Kinuha ko ang susi at pina andar ko ang sasakyan, nilagay ko naman sa google map ko ang adress ng bar na pupuntahan ko. Nag search kasi ako kung anong maganda bar dito sa amin, kaya doon ang punta ko ngayon.

Mag isa ko lang pupunta. Diko niyaya mga kaibigan ko dahil alam kong busy sila. Isa pa gusto kong bigyan ng oras ang sarili ko.

Pumasok ako sa bar at halatang pang VIP ang bar na ito.
Umupo ako sa may counter at nag order ng vodka.
Madami na ring tao nang dumating ako.
Nakaka refresh lang mag punta dito kahit sobrang ingay. Nakakatuwang panoorin ang mga taong nag eenjoy.

"Hi" sabi ng katabi ko.

Hindi ko naman siya nilingon pero nag hello ako.

"Mag isa ka lang?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang tugon.

"Ang boring mo naman" sabi ng lalake. Kaya sa kauna unahang pag kakataon ay nilingon ko siya. Nakangisi lang naman ang loko.

Hinawakan ko ang balikat niya at ikinatuwa naman niya ito, kaso lumapit ako sa tenga niya at ibinulong ang "then...fuck off"  at saka inayos ang pagka upo ko. Nginisian ko lang siya at bakas sakanya ang pagka gulat at saka ngumiti.

"Hmm you know what? I like you. I'm Ken Raver" nakangiting sabi nito at saka inilahad ang kamay.
"Wag kang mag alala di ako gago, sinusubukan lang kanina kita para makita kung anong klase kang babae" sabi niya ulit.

Napangisi naman ulit ako at inabot ang kamay niya... "so anong nakita mo sakin? Anong klase akong babae sa tingin mo? By the way... I'm Tien."

Hinawakan naman niya ang baba niya at tinabingi ang ulo na kunwaring nag-iisip.
"Hmmm pa hard to get? I think?" Sabi niya na natatawa. Tsk.
Natawa na rin ako. Pahard to get pala ha?

Nagpalitan kami ng number at saka nag usap. Di naman alintala ang malakas na tugtog sa pag-uusap namin.
Tumatawa kami nang may lumapit sakanyang lalake at hinawakan ang balikat, diko masyadong ma aninag ang mukha dahil nasa kabila niya siya at madilim sa parteng yon.

"Oh you're here. By the way Tien...may kasama pala ako" sabi ni Ken sa akin.

Tumango lang ako.
"Bro lika, lapit ka sakanya pakilala kita, di siya gaya ng ibang babae. Trust me" sabi ni Ken sakanya. Tsk. Sanay na sanay mambola.

Lumapit ang lalake at tumapat sa may gitna namin na nakatayo dahil walang upuan sa gitna, pero may space sa pagitan namin.

Bakas sa mukha ko ang pagkagulat.
"Bro si Tien, Tien...si Kerby." Pakilala ni Ken samin.

"Kilala ko siya"
"I know her"

Sabay naming sabi pero walang reaksyon ang mukha ni Kerby.

"Oh really? Interesting! Pano kayo nagkakilala" tanong ni Ken sa amin.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now