Chapter 16

138 7 0
                                        

"Promise I'll stay here till the morning, and pick you up when you're falling...hmmm hmmm hmmm hmmm hmmm..."

"Okaayyy, higpitan lang natin ng konti tong necktie...oppss yan! Okay na!"

Tinignan ko ulit reflection ko sa salamin at umikot ikot para tignan kung ma ayos na talaga suot ko.

"Ready ka na ba baby Snow?"

"Come here...yaaa...ang bigat mo na"


"Excited ka bang pumunta sa office? Huh? Huh? Naks! Mukhang excited nga! Aysssh, wag mo naman akong ikiss ngayon, mababawasan pabango ko hahahaha"

Tong aso kong to mas excited pa sa akin pumasok.


"Goodmorning sir, hello snow!!!"

Bati nila sa akin at sa hawak kong aso. Mas magiliw pa ang pag bati nila kay Snow kesa sa akin. Hmmm nakalimutan yata nila na ako nag papasahod sa kanila.

"Goodmorning too." Bati ko rin sakanila.

"Mukhang maganda ang gising ni sir no?" Bulung bulungan, pero dinig ko. Tsk.

"Okayy, diyan ka lang muna. Stay ka muna diyan Snow. Work lang ako"

Tumahol naman ito na parang naiintindihan ako.

"Good girl"
Sabay hinaplos ang ulo niya.

Nag tungo ako sa desk ko, at inasikaso ang mga documents na naka patong.
Basa dito basa doon, pirma dito pirma doon.
Umabot siguro ako ng mahigit isang oras...

"Come in" sabi ko nang may narinig akong kumatok.

"Sir nandito na po sila" sabi ng secretary ko.

"Okay. Sunod ako" sabi ko at inayos lahat yung mga documents na nasa harap ko.

"Snow diyan ka muna" sabi ko at saka tumahol ito.

Diko maitago ang ngiti sa labi ko at kaba sa dibdib ko...

"Okay naman tong suot ko diba? Walang dumi?" Tanong ko sa secretary ko bago buksan ang pintuan ng conference room.

"Yes sir, malinis naman. Bagay sainyo sir"
Sabi nito.

"Thanks" sabi ko saka binuksan ang pintuan.

Tumayo silang pareho nang buksan ko ang pinto, pero siya lang napansin ko.

Wow.

Sobrang ganda niya ngayon!

Dati na siyang maganda pero mas lalong gumanda pa.
Mahaba na rin ang buhok niya.
Yung ma amo niyang mukha...nag mala diyosa na sa ganda...

Sobrang sexy narin niy—a

Pero wait...sexy? Bakit ang iksi ng suot niya!!?

Diko napigilan ang pag salubong ng kilay ko.

Ganyan kaiksi suot niya samantalang may katabi siyang lalake!?

At sino naman tong lalakeng to!? Ni hindi man lang naka kalahati sa gandang lalake ko.

Nag lakad ako at tumigil sa harap nila.

"Nice meeting you, I'm James Deza...her lawyer" sabi nito at nilahad ang kamay.

Inabot ko ito, at pinisil ngunit mukhang napalakas yata...

Tinignan ko si Snow...nakatingin lang rin sa akin.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt