"Doc, may nag request na patient sainyo"
Sabi ng isa sa mga doctor ko...
Ang bilis ng araw...and yes, nakabalik na kami ni Kerby dito sa Pilipinas, one week ago.
Pag tapos naming mag check in sa ibat ibang hotel, nakisayaw sa ibat ibang tao, lumangoy sa ibat ibang parte ng dagat, kumain sa ibat ibang restaurant at tinikman ang ibat ibang pag kain, at sumakay sa helicopter palibot sa Oahu island...ay umuwi na kami dito sa Pinas at pinag patuloy ang mga naiwang trabaho.
Sa dami ng pasyente last week ay diko na nagawang mag pahinga pa pag uwi, nakakahiya naman kung tatamad tamad ako,
Dahil siguro sa walang pahinga ay nakakaramdam ako ng pag kahilo lately.
Nasabi rin ng mga kasamahan ko dito kaninang lunch namin na mag patingin na ako sa medical doctor, lalo na at madaming pasyente na ina asikaso, baka hindi daw kayanin ng katawan ko.
Bilang isang doctor rin, sa ngipin...sinunod ko ang payo nila,
Nag early out ako, alas tres palang ng hapon ay dinaanan ko na si Kerby sa company niya, sasamahan raw niya ako at sasakyan ko nalang daw ang gagamitin namin, dapat siya ang susundo sa akin at iiwan ang sasakyan niya sa parking lot namin, kaso nag insist akong daanan na lang siya.
Tinext ko siya bago umalis ng clinic. At
pag baba ko palang ng parking lot ay tinginan na ang mga tao na nandito rin.
Binati ako ng guard at mga taong nakakakilala sa akin, hindi ko na rin kailangan mag patulong sakanila para tuluyang makapasok, dahil binigyan ako ni Kerby ng access card.
Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang office ni Kerby.
May seperate na elevator si Kerby ngunit hindi yun ang ginamit ko, nasa dulo kasi, isa pa, di rin gaanong ginagamit yun ni Kerby, parehas kami ng rason... "nasa dulo kasi."
Tumigil ang elevator sa 4th floor at may sumakay na tatlong lalake. Employees rin siguro dito.
Ang lapad ng ngiti nila nang makita nila ako, nginitian ko rin sila, nakikilala siguro nila ako.
Imbes na tatayo sila sa harap ko na nakatalikod, tumayo sila sa gilid at nakaharap sa akin.
???
"Yes?" tanong ko sakanila.
"Hehe, bago kayo dito Ms?" Tanong ng naka blue.
Hindi pala nila ako kilala.
"Huy, baka mag a-apply palang." Sabi ng naka black kay naka blue.
"Hala, diba, di pa naman nasesante secretary ni Sir Kerby?" Tanong na naka white.
"Secretary agad? Di pwedeng sa ibang department?" Sagot ng naka blue.
"Ayan oh, sa office ni Sir Kerby ang punta niya." Sagot ng naka white na tinuro ang floor ni Kerby na nakapindot sa elevator.
Nakalimutan na yata nilang nasa harap nila ako, hahaha ang kukulit. Lahat ay may itsura pero walang tatalo sa mukha ng asawa ko.
Diko napigilang tumawa sa kakulitan nila.
Isa isa silang nag pakilala sa akin, at mag papakilala rin sana ako bilang asawa ni Kerby ng bigla ulit akong nahilo,
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
