Matapos pumutok yung balitang nag dadalang tao ako...sunod sunod na ang mga bumisita sa akin, sa amin.
Pag kauwi namin noon ay andun na agad sa labas ng bahay sina mama at papa pati ang kapatid kong doctora,
Punong puno ng prutas ang bahay namin sa dami ng dinala nina mama at papa. Natutuwa ako na sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko alam pano uubusin lahat yon, halos isang truck...baka 1 month old palang ang anak ko...marunong ng mag lakad sa lakas ng resistensyang nahugot niya sa akin kapag kinain ko lahat ng prutas na dala nila.
Sabay sabay naming pinanood yung video namin ni Kerby na kalat na kalat sa ibat ibang plataporma ng media. Mas nag viral yung pag iyak tawa ko na inakala niyang nababaliw nako.
Tinaguriang "ideal husband" si Kerby dahil sa video na yun.
Four weeks na akong buntis, at wala paring pinag bago sa everyday routine ko. Ganon na ganon parin, gaya ng dati. Yun nga lang ay napapadalas ang pagkabusangot at irita ko kay Kerby. Kahit ayoko mang mainis sakanya dahil naawa ako, di ko mapigilan...mukha palang yata niya nakakainis na.
"Babe, parang gusto ko ng bread." Sabi ko kay Kerby, habang nanonood kami ng TV.
Mga alas otso na siguro ng gabi ngayon.
"Bread? Anong name? Anong itsura babe? Saan ko mabibili?" Tanong ng napaka masunurin kong asawa.
"Para siyang tustado, kulay brown. Natikman ko yun noong binigyan ako ni aling Beba, isa sa mga pasyente ko, may bakery daw siya sa kabilang subdivision. Masarap siya babe! Promise! Natatakam tuloy ako!" sabi ko sakanya na nakatutok parin sa TV.
"Okay babe, I'll get it for you, ano ulit name baby?" Tanong niya sa akin.
Nakakairita na siya! Paulit ulit!
"Sabing kulay brown na tustado e, mabibili kay aling Beba sa may kabilang subdivision" sabi ko sakanya
"Huh?" Sagot ni Kerby sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakairita na talaga siya! Bakit ang slow niya!??
Gustong gusto ko na talaga kainin yon, kaso andito pa siya sa harap ko! Ang bagal kumilos!
"Basta pumunta ka sa kabilang subdivision, may bakery doon, aling Beba ang nakalagay daw na pangalan, sabihin mo pabili ng kulay brown na tustado sa gilid gilid,"sabi ko sakanya na nauubusan na ng pasensiya.
"Kulay brown na tustado sa gilid gilid ang name ng bread baby?" Tsk. Paulit ulit talaga siya!
"Oo!!!" Sagot ko sakanya na nakakairita.
"Okay chill, palabas na nga oh, bye babe." Sabi niya na hahalik sana sa pisngi ko kaso umilag ako.
"Get my brown toasted bread first" sabi ko sakanya kaya nalungkot ang mukha niya...hindi ko na yun kasalanan.
Dalawang oras na ang nakakalipas at wala parin siya. Tsk.
Ayoko na nung brown na bread! Matutulog na lang ako! Ina antok na ako!
Ikakandado ko nalang ang kwarto namin! Matulog siya sa sofa! Ang tagal tagal niya! Nangabit pa yata!
Kerby's POV
"Where's that fucking aling Beba's bakery!??" tanong ko sa sarili ko dahil nasa dalawang oras na yata ako paikot ikot dito sa kabilang subdivision. Muntik pa akong di pinapasok ng guard dito sa subdivision na ito, dahil di ako residente dito, buti nalang ay nakikilala niya ako at nasindak yata kaya pinapasok ako.
Nakabalik na ako dito sa entrance at wala parin akong nakitang bakery.
Binaba ko ang bintana ng sasakyan ko at tinanong ang guard.
"Do you know where is aling Beba's bakery?"
"Ah yun ba hinahanap niyo sir?" Tanong ng guard, bakit ang mga tao kapag tinanong tatanungin ka rin, imbes na sagutin.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
