Chapter 25

145 7 0
                                        


Bakit pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagka teenager, yung babaeng binuild up ko ng ilang taon, bakit parang mukhang teenager ang feelings sa tuwing kasama si Kerby.

Gusto ko yung seryosong ako, yung poker face dati, pero sa tuwing kasama ko siya lumalabas pagka pilosopo ko at madali lang nilang mabasa ang emosyon ko. May bansag nga sila sa akin sa Canada e, Ms.P, kasi lagi daw akong naka poker face, madalang lang kung ngumiti, parang ang mahal daw masyado ng ngiti ko, si Rem lang nakakapag pangiti sa akin noong college kami.

Pero si Kerby...? Napaka effortless niyang pangitiin ako, dumating lang siya, napapangiti na ako.

Nabalik ako sa huwisyo nang nag text si James sa akin,

"Friend manood ka ng live news ngayon, andon si papa Kerby mo" sabi sa text, lawyer ba talaga si James? Bakit ang bilis niya sa mga ganitong bagay.

Sinunod ko ang sabi niya, tutal, wala namang tumawag at humingi ng tulong ko, andito ako ngayon sa loob ng office ko.

Nasa news nga si Kerby at si Shary, nag pa press conference yata sila.

"Mr. Guzman, totoo po ba ang bali balita na wala na kayo ni Doctor Salvador at ipinag palit mo siya kay Ms. Shary?"
Tanong ng isang reporter.

Tumawa si Kerby, tsk. Tawa palang niya nakakainlove na! Nakangiti lang din si Shary.

"Of course not, Si Snow lang ang hindi ko kayang palitan sa buhay ko. Hindi ko siya ipag papalit kahit kailan at kahit kanino man. Nag iisa lang siya, kung mag hihiwalay man kami, siya parin ang liligawan ko, at hindi ako mag hahanap ng iba. Liligawan at liligawan ko parin siya hanggang sa umoo siya ulit." Sabi niyang nakangiti. Nakagat ko ang kuko ko,

Nakuha naman sa camera ang pag sama ng mukha ni Shary. Inihawak rin niya ang kamay niya sa braso ni Kerby at pinag krus ito, pasimple namang tinanggal iyon ni Kerby at sinamaan siya ng tingin. That's my man, I'm proud of you Kerby.

"Isa lang si Ms. Shary sa mga ambassadress namin, she's our new ambassadress, haha, secret nga lang sana at saka lang namin sabihin kapag irelease na yung product, pero mukhang di kayo nakapag antay." Sarcastic niyang sabi sa huli.

"Anong masasabi niyo Ms. Shary sa scandal niyo with Mr. Guzman?" Tanong ng isang reporter.

"Hahaha kung sino man nag umpisa ng rumor na yon, napakapilyo niya. I mean, hindi yun totoo, lahat ng babae siguro mag kakagusto rito kay Mr. Guzman, sayang nga at hindi totoo yung balita." Sabi niya na naihawak ulit ang kamay niya sa braso ni Kerby, at mabilis rin namang tinanggal ni Kerby iyon.

"Pero okay lang, at least naging kami noon ni Mr. Guzman." Sabi ulit niya at nag ingay yung mga reporter. Hindi ka parin ba nag mamatured Shary? Bagay nga sayo na nasa showbiz ka,

"What do you mean Ms. Shary? Naging kayo ni Mr. Guzman?" Tanong ng isang reporter,

Akmang sasagot na sana si Shary kaso inagaw ni Kerby ang atensyon,

"Yes, naging kami noong highschool pero bata pa kami sa mga panahon na yun, in fact di pa kami seryoso sa isat isa noon, kung maibabalik nga ang panahon, si Snow dapat yung niligawan ko, pero masaya na ako ngayon with my girlfriend, at hindi ko siya ipag papalit, kahit milyon man na babae ang iharap sa akin."

Sabi niya at napanganga ako, oo literal na napanganga ako, napaka sadista pala ng boyfriend ko, kaya pala takot sakanya ang mga employees niya.

"At kilala ko kung sino ang nag simula ng rumor about sa amin 4 days ago, i will forgive you...for now, but if you do it again, I won't be able to forgive you, I warning you, sa kulungan ang bagsak mo. Pinag alala mo ang mahal ko, pasalamat ka at hindi mo nasira ang relasyon namin," sabi niyang nakatitig sa camera at halatang nag cle-clenched yung jaw niya.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now