Author's Note:
Para maintindihan po itong kwento, basahin po muna ang book1 niya. THANK YOU ❤️
"Welcome back" bati ko sa sarili ko pagka labas ko ng airport.
Nilalanghap ko pa ang hangin dito sa pinas dahil sobrang na miss ko ngunit gayun na lang kalakas ng inubo ko dahil hindi sariwang hangin ang nalalanghap ko.
Tsk! Ang dami nang nagbago! Di na gaanong fresh ang hangin dito, infairness! May taxi na dito. Dati rati puro private car lang makikita mo.
Hmm diko alam kung umasenso ba tong bayan na to. Sa tagal kong nawala, halos hindi ko na ma alala ang itsura ng bayang ito.
Ang daming nag bago. Marami na ring naglalakihang gusali. Dati rati ang laki ng mga espasyo ng bawat gusali...ngayon...halos mag kakadikit na at nag tataasan pa.
Masasabi mong mas moderno ngayon kumpara noon, ngunit mas payapang tignan noon.
"Ma'am sasakay po ba kayo?" Tanong ng isang taxi driver sa akin.
"Yes po" naka ngiting sabi ko.
"Sige po ma'am, buhatin ko na po ang mga bagahe niyo" pamama alam nito sa akin.
"Sige po manong" sabi ko at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Sumakay na si manong at tinanong kung saan kami. Ipinakita ko naman ang selpon ko sakanya upang mabasa niya kung saaan ako nakatira.
"Sige po ma'am. Tara na po" muli niyang sabi at saka pina andar ang kanyang sasakyan.
"Sir san po kayo" tanong ni manong guard sa amin. Hinarang kasi ang taxi na sinakyan ko. Infaireness, may guard na din dito sa bahay. Haha.
Sinabi ko naman ang pangalan ko kay manong guard at nagulat pa ito sabay humingi ng pasensya.
"Okay lang, ngayon lang din naman kasi ako nauwi" nakangiti kong sabi.
Pinag buksan niya kami ng gate at saka dumaretyo ang sinakyan kong taxi sa mismong harap ng bahay.
"Ang ganda naman dito ma'am, kayo po talaga nakatira dito?" Tanong ni manong.
"Oo manong, pero noong umalis ako ay hindi ganito ang itsura ng bahay, malaki na rin pinag bago" nakangiti kong tinanaw mula sa bintana ng sasakyan ang bahay namin.
"Bayad ko po manong" nakangiti kong abot sa bayad ko.
"Nako ma'am wala ho akong barya. Pasensya na po. Kayo palang po kasi ang pasahero ko ngayong umaga" sabi ni manong na nag aalala.
"Keep the change nalang po manong, masyadong malayo ang bahay namin mula sa airport" nakangiti kong sabi.
"Salamat po ma'am! Pag palain po kayo ng nasa itaas. Ibababa ko na po gamit niyo ma'am" sabi niya at saka bumaba ng sasakyan at ibinaba nga ang mga gamit ko. Muli itong nag pasalamat bago umalis.
Nag doorbell naman ako dahil wala akong susi. Wala ring tao na nakapaligid. Hindi ko rin kasi ipana alam na uuwi ako.
"Naku hija!!!! Ma'am!!!serrr!!may bisita po tayo!!!" Sigaw ni ni nanay na nag bukas ng pintuan sa akin.
Nakangiti ako sakanya at saka niyakap!! Ang tagal ko rin' hindi siya nakita.
"Naku!! Dalaga ka na nga talaga hija!!!" Sabi niya at saka akong niyakap muli Hahaha.
"Sinong bisita?" Tanong ni mama...
"Hulaan niyo po?" Sagot ko haha
"Nako!!!! Anak!! Bakit ka andito!! Di ka man lang nag sabi na uuwi ka! Edi sinundo ka sana namin! I miss you anak!" Sunod sunod na sabi ni mama at saka siniil ako sa halik at niyakap ako ng mahigpit.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
