Dahil wala ako sa tabi niya noong mga panahong nagigipit siya, noong mga panahon niloloko siya ni Shary at ginawang sunod sunuran...
Sasabunutan ko talaga yun kapag nakita ko! Ang kapal ng mukha niyang ipaako sa asawa ng iba yung dinadalang bata!!!
At si Kerby pa talaga ang pininturya!
Pag tapos niyang lokohin siya noon, gagawin na naman ngayon!??
Yung isa, nag paloko naman!
Yung babaeng yun ay talagang nag babait baitan lang!
Sayang ang ganda, demonyita naman!
Tatadtarin ko ng pinong pino ang bungo non na may utak na kasing liit ng hinliliit ko sa paa!!!
*FOUR MONTHS LATER
Kerby's POV.
"So...how could we—-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, dahil biglang nag ring ang selpon ko.
Sinagot ko ito agad dahil asawa ko ang tumatawag.
"Baby...ang sakit ng tiyan ko" sabi niya, kaya ako naman ay tumakbo agad palabas ng conference room, at daretso sa parking lot.
Sinabihan ko si Snow na tawagan si James o sinong kaibigan niya na malapit sakanya, para in case na late ako dumating, sila nalang ang mang takbo sakanya sa hospital.
Tinawagan ko rin si Ken at sinabing sabihan sina mommy, pati rin si mama Jona, nagawa kong tawagan kahit sobrang natataranta at bilis kong mag patakbo ng sasakyan.
Dumating ako sa penthouse na hingal na hingal, dali dali kong binuksan ang pintuan...
Patakbo akong pumasok, only to find out na nakapatong ang paa ng asawa ko sa mesa at nanonood ng Dora???
"Oh nandito ka na baby? Tara na?" Blanko nitong sabi?
?
??
???
"A—kala ko...masakit tiyan mo?" Tanong ko.
"Yeah." Tipid nitong sabi.???
"Yeah? Sure ka? Masakit? Manganganak ka na? Bakit ganyan ka?"
Sunod sunod kong tanong, kasi tarantang taranta akong bumalik dito sa penthouse namin...tapos makikita ko siyang nanonood ng Dora, nakabihis na, naka pack up na rin ng mga gamit...at...at...naka make up???
"Itatakbo ba talaga kita sa hospital? O mamamasyal tayo???" Tanong ko dito.
"Bakit tayo mamamasyal? Gusto mo bang ipanganak ko ang mga anak mo sa park? Para makapag laro sila agad???" Sarcastic niyang tanong...
"Bakit ganyan ang itsura mo? Parang di ka manganganak?" Tanong ko.
"Ang dami mong tanong Kerby ha...pag lumabas ang ulo ng mga bata, ikaw na mag papa-anak sa akin" madiin niyang sabi...nagagalit na...
Ano na nga bang gagawin ko ulit???
Ah...oo, aalalayan ko siya, tama...oo tama.
"Tara na, can't wait to meet my babies" ngiti ko sakanya, at binuhat ang mga gamit niya sabay inalalayan siya kaso sabi niya kaya niya. Tsk.
Nadatnan naming nasa labas ng hospital ang pamilyang Salvador, Lee at Guzman, pati na rin mga kaibigan ni Snow. Nauna pa silang dumating doon, kesa sa manganganak. Tsk.
May mga doctors na ring nag aabang sa labas, hindi ko alam kung maiinis ako kay Snow o matatawa. May naka ready na ngang wheelchair at stretcher...pinili niya pang mag lakad hanggang sa operating room, oo...dumaretso siya sa operating room dahil talagang lalabas na pala ang mga bata, lumabas na pala ang tubig ba yon? Basta lumabas na pala yung tubig sa katawan niya noong nasa penthouse siya pero nilinisan niya daw muna. Siguro gustong gusto nang lumabas ng mga babies ko, pero yung mommy nila, sobrang chill lang.
Buti at pinapasok ako ng mga doctor sa operating room, normal delivery si Snow dahil kaya niya at healthy rin mga babies namin. Isang ire niya lang ay lumabas na ang ulo ng panganay...
Ang cute ng boses niya, parang hindi lalake, typical na boses ng baby...sana maging protective ka na kuya...TIERON KER.
Tinititigan ni Snow si Tieron habang nililinisan, bakit di siya umiire? Nakalimutan niya atang may isa pa.
"Babe...may isa ka pang ilalabas." Sabi ko dito na hinawakan ang kamay, pero sinamaan ako ng tingin.
"Alam ko, katawan ko to e, sa ayaw niya pang lumabas, may magagawa ba ako?" Sabi niya, bakit ang taray niya ngayon?
Pag tapos ng ilang minuto ay naisilang na rin ang pangalawang baby namin, dalawang minuto ang pagitan nila, mas manipis ang boses niya, kesa sa kuya...sana hindi ka kasing taray at pilosopo ng mommy mo...KERYL SNOWIEE.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
Chapter 40
Start from the beginning
