"You're welcome" sagot ko at tumalikod na.

"Mamon...mamon pala ang pangalan niyan serrr, wag niyo hong kakalimutan" pahabol niyang sigaw sa akin.

Nakangiti akong sumakay sa sasakyan ko...

Makakakiss na ako sa asawa ko, may nabili na akong...

Mamon???

Oo may nabili na akong mamon para kay Snow. Hindi na siguro niya ako susungitan.
Lately kasi ay sinusungitan ako, kahit wala akong ginagawang masama. Iniintindi ko nalang at hinahabaan ang pasensya dahil ganon daw talaga ang nag bubuntis.

Dali dali akong pumasok sa bahay, inasahan kong nasa sala pa si Snow at nanonood ng TV, kaso nag kamali ako.
Pinihit ko ang doorknob ng kwarto ngunit naka lock ito.

Kakatok na sana ako nang may napansin akong sticky notes na nakapaskil sa mismong pintuan.

"Sleep on the couch tonight. Ang bagal mo masyadong gumalaw, pinuyat mo ako—-Your gorgeous pregnant wife"

Wtf???

Tinignan ko ang oras at pasado alas diyes na.
Gusto ko mang kumatok at pumasok, diko magawa dahil baka natutulog na siya, at maistorbo ko lang ang tulog,

Inilagay ko ang tinapay sa kusina at nag tungo ulit sa sala para humiga.

"I guess this is the consequences of having a baby" sabi ko sa sarili ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko...at pag mulat ko ay umaga na.

Dali dali akong bumangon at nag tungo sa kwarto, kaso wala na ang asawa ko. Tinignan ko ang orasan at alas otso na ng umaga.

Hayyy...diko na siya na abutan. Sobrang miss ko na siya. Madalang ko nalang siya mayakap at mahalikan, lumalayo na yata ang loob ng asawa ko sa akin.

Naligo na ako at nag bihis para pumasok sa kumpanya.
.
.
.
"Andito sina Ken at Lisa" text ni Snow sa akin.

Gabi na pala, diko namalayan ang oras sa dami ng trabaho.
Nagugutom na siguro ang asawa ko.

"Okay. Pauwi na ako baby, i love you" reply ko sakanya. Inantay ko ang reply niya kaso wala. Tsk.

Nadatnan ko silang tatlo na nag tatawanan at kumakain na. Tsk. Di man lang ako inantay.

"Hey bro!" Bati ni Ken sa akin at tinanguan ko lang.

"Hi Kerby" sabi naman ni Lisa at tinanguan ko lang din.

"Hi baby, how's your day?" Sabi ko kay Snow at hahalikan na sana kaso umilag na naman. Tsk.

"Maligo ka muna" sabi niya, halata ang pag kairita sa mukha niya.

"Okay." Sagot ko at tinignan yung dalawa, tumango naman sila.

Pag tapos kong maligo ay nag tungo ako sa kusina, kaso tapos na sila. Tsk.

Nag sandok ako ng pag kain ko at mag isang kumain sa kusina habang rinig ang tawanan nila sa sala.

Pag tapos kong kumain at hugasan ang pinag kainan ko, dumaretso ako sa sala at umupo sa tabi ni Snow.

Umiinom sila ng wine, well except sa asawa ko. May wine glass na extra sa harap ko kaya nilagyan ko ito.

Ininom ko at pag baba ko ng wine glass ay masama na ang tingin ni Snow sa akin.

"Ahmm...why?" Tanong ko dito.

"Hindi mo man lang ako hinalikan o niyakap!?" Tanong nito,

Huh?

Pag niyayakap o hahalikan ko siya, ayaw niya, ngayon na hindi ko ginawa, magagalit siya.

"Eh kasi babe, ayaw mo kanina" sagot ko.

"Ano ba sabi ko kanina?" Sagot niya.

"Na...maligo muna ako" sagot ko.

Tinitigan niya ako...

Nasapo ko ang noo ko, tama nga siya. Maligo muna ako bago ko halikan.

"Sorry babe," sabi ko at akmang hahalikan na sana kaso umilag ulit.

Ano na naman...!!???

"Ayoko na! Mabaho ka na ulit! Amoy ulam ka!" Sagot niya...

What...the actual...fuck!!??

Inamoy amoy ko ang sarili ko ngunit amoy banyo parin ako. Amoy bagong ligo, at hindi amoy ulam.

Nag salubong ang kilay ko nang biglang tumawa sina Ken at Lisa...

Anong nakakatawa!? Tsk.

"Bro...! Anong feeling ng amoy ulam!?" Tumatawang tanong ni Ken. Nakipag apir naman ito kay Lisa. Bagay nga kayo!

"Ewan ko. Eh ikaw? Anong feeling ng na busted ng asawa ko? Tanong ko dito na nakangisi.

Ikaw lang marunong mang inis?

"Okay lang, at least na halikan ko siya...diba Tien?" Sabi ni Ken.

Nag tiim ang bagang ko! Sinamaan ko siya ng tingin!!!

"Lisa pakilabas na yang boyfriend mo." Sabi ko kay Lisa.

"Ano ka ba Kerby!!! Nag bibiro lang yung tao!" Sabi naman ni Snow.

"Kinakampihan mo siya kesa ako na asawa mo!? Sabagay! May pinag samahan kayo!!" Sabi ko at nag walk out! Papunta na ako ng kwarto nang marinig ko silang sabay sabay na tumawa!

Mas kinakampihan niya pa si Ken kesa ako? Bakit di nalang siya ang pinakasalan niya! Tsk!

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now