"Yes." Tipid kong sagot.

"Ay wala dito sa loob ng subdivision namin sir, pag labas niyo po may makikita po kayong maliit na bakery na kulay yellow sa may kanto" sabi ng guard

"Okay thank you" sagot ko dito.

Lumabas na ako ng subdivision at nag drive patungo sa kanto na sinasabi ng guard.

Wait...is this aling Beba's bakery? This yellow one here?

Sure kaya ang asawa ko sa pinapabili niya?

Lumabas ako ng sasakyan at nag tinginan yung mga ibang tao na nakatambay dito sa gilid ng kalsada, gabi na at nakatambay parin sila.

Nagtungo ako sa bakery na may maliit na ilaw sa labas.

"Ano po yun serrr" tanong ng isang matandang babae.

"Andito po ba si aling Beba?" Tanong ko rito.

"Ako po yun serrr...bakit po?" Tanong ng matandang babae.

"Pabili po ako ng—-"

Ano na nga ulit yun?

"Ng alin po serrr?" Tanong niya.

"a fucking bre—-delicious bread." Sabi ko na nag titimpi dahil nakalimutan ko ang pangalan ng pinapabili ng asawa ko.

"Ano ulit serrr?" Tanong niya na naka kunot ang noo.

Ah...alam ko na

"Pabili po ng kulay brown na tinapay na tustado daw sa gilid" sabi ko sa matanda pero mas lalong kumunot ang noo niya.

"Halos lahat po ng tinapay dito ay kulay brown serrr. At hindi ko po nasusunog ang mga tinapay ko" sabi ng matanda.

"I didn't——diko ko po sinabi na sunog ang tinapay niyo. Ang sabi ko tustado." Sabi ko dito.

"Toasted bread serrr? Wala kaming toasted bread serrr, di kami gumagawa ng ganon dito." Sabi ulit niya.

Nakaka frustrate!

"My fucki—-beautiful wife told me that you gave her a brown toasted bread when you visited her clinic" sabi ko dito...

Kumunot ulit ang noo niya.

"Ano serrr? Pakilinaw po at mag sasarado na kami, alas dyes na po" sabi nito.

"Pabili nung tinapay na binigay niyo sa dentistang asawa ko" sabi ko sakanya.

"Dentista??? Ah...si Ma'am Tien??? Ay naku po serrr, kayo po pala asawa ni Ma'am!!! Napaka swerte niyo nga naman sa isa't isa oo! Parehas ba namang magaganda at gwapo!!! Paniguradong magaganda at gwapo rin ang anak niyo pag nag kataon serrr. Nakita ko nga po kayo sa TB, mas gwapo po pala kayo sa personal serrr. Nako! Congrats serrr! Kung wala lang sigurong asawa si ma'am Tien ay irereto ko sana siya sa panganay kong anak! Sayang naman at nakapag asawa na siya, pero masaya akong ikaw po pala na asawa niya serrr...ang pogi niyo," sabi ng matandang babae...

Akala ko ba mag sasarado na siya???

"Ay ito po yung binigay ko kay Ma'am Tien..." sabi niya na nag lalagay na sa supot?

"Libre ko na po ito serrr, paubos naman na" sabi ulit niya.

"No. I'll pay for it." Sabi ko at inabutan ng one thousand.

"Naku serrr! Wag na po. Isa pa ang laki masyado ng pera niyo serrr, wala akong pambarya. Mura lang naman ito serrr." Sabi niya

"Keep the change nalang. Po." Sabi ko.

"Naku salamat naman serrr! Kung ako ang masusunod ay libre ko na kay ma'am Tien yan. Salamat talaga serrr, pag palain kayo ng may kapal."
Sabi niya sabay inabot ang supot sa akin at kinuha ang pera.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now