Lumapit siya lalo at sinabing "Hello Mr. Kerby, I'm Tien Snow...the founder of S.D.C"
Nginitian ako ng pagka tamis tamis.
Inilahad ang kamay nito na agad ko naman inabot. Di nag bago. Ang lambot parin ng palad.
Pag katapos kamayan ay nag hand gesture ako para maupo sila.
"Are you sure na di mo na kailangan ng lawyer?" Tanong ni Snow sa akin.
"Hmm" sagot ko lang.
Binasa namin ang kontrata ng sabay gaya ng utos ng lalakeng kasama niya.
Tahimik namin itong binabasa ngunit na didistract ako sa pag lalaro niya sa upuan na parang dinuduyan ang sarili, at nakapatong pa ang kanang hita niya sa kaliwang hita niya. Tsk! Nag eenjoy naman tong lawyer niya!
Tumayo ako at hinubad ang suit jacket ko saka ipinang takip sa hita niya. Kita ko naman ang gulat sa mukha niya. Kinuha niya ito at akmang ibabalik ngunit inunahan ko na siya...
"Kapag ibinalik mo yan, diko to pipirmahan" panakot ko dito. Inirapan lang ako at ibinalik sa hita niya.
Good girl.
Nag pirmahan na kami ng kontrata...
Niyaya ko silang mag tea, ngunit tumanggi yung lawyer niya dahil may ibang lakad pa. Mabuti naman.
"Sa office ko nalang tayo" sabi ko kay Snow at tumango lang.
"Siya ba yung founder"
"Oo"
"Gosh! Ang ganda niya"
"Sure kayo siya?"
"Hindi ba bagong model?"
"Hala! Hindi ba siya yung dinala dati ni Sir dito noon?"
Bulung bulungan na naman ng staff ko. Buti nalang at ang laki ng tulong nila sa kumpanya, kundi sibak silang lahat.
Pinag buksan ko siya ng pintuan at sinenyasan ang secretary ko na ipag timpla kami sabay isinarado ang pintuan.
Patakbong sumalubong si Snow pero sinesenyasan ko siyang wag lumapit...pero anong magagawa ko? Aso siya... di mapipigilan.
"OMG!!! Ang cute!!!!" Sabi ni Snow at pinulot si Snow.
"What's your name baby?" Tanong ni Snow, dinidilaan lang rin naman siya ni Snow at ginagalaw ang buntot.
"Snow." Sabi ko.
"Hmm?" Tanong niya.
"Snow." Pag uulit ko.
"Yes?" Sabi ulit niya
"Snow." Sabi ko ulit.
"Ano nga? Tawag ka ng tawag sa akin pero di mo naman sinasabi ang gusto mong sabihin Mr. Kerby." Madiin niyang sagot.
"I mean Snow pangalan niyan' asong hawak mo" sagot ko rito.
"Sorry" sabi nito at namula.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
Chapter 16
Start from the beginning
