Chapter One Hundred Sixty: Paint

210 16 3
                                    



**
Mina Myoui's Point Of View:

"Dito ho ba tayo magsisimula ng ensayo, Ace Heeyeon?"

Lumingon s'ya saakin bago ako binigyan ng isang matamlay na ngiti.

Wala pa s'yang sinasabi'y nakakaramdam na ako ng mali.

"Mayroon ho bang bumabagabag sainyo?" Tanong 'ko pero tiningnan n'ya lang ako bago s'ya tumuloy sa loob ng isang vintage-themed na café sa harapan namin.

Ngayon 'ko lamang na-realize na sa tagal 'ko rito'y ilang lugar pa lang ang napupuntahan 'ko.. ang marami pa roon ay kasama 'ko pa ang miyembro ng Baraha gayon narin ang may mga katungkulan sa Council.

Napailing pa ako sa naisip bago tuluyang pumasok sa café na pinasukan kanina ng Alas..

..pero halos napahinto ako ng makaramdam ng kakaibang pakiramdam pagkatuntong na pagkatuntong 'ko pa lamang sa mat ng pintuan.

"Bakit hindi 'ka tumuloy?" Napalingon ako sa babaeng nasa gilid 'ko na hindi ako sigurado kung nakilala 'ko na ba noon o nakita 'ko na kung saan.

Hindi 'ko maitatanggi ang ganda ng maamo n'yang mukha na ultimo hindi makakaisip ng bagay na masama kaya't bago pa man ako tuluyang makuha ng mga titig n'ya'y kaagad na 'kong nag-iwas ng tingin..

'Hindi maganda ang pakiramdam 'ko sa lugar na 'to..'

Mabilis akong tumalikod para sana bumalik na sa sasakyan ngunit kaagad 'kong narinig ang pagtawag sa'kin ng Alas.

Kaagad akong lumingon sakan'ya pero naguguluhan lamang ang ekspresyon na ibinigay n'ya't hindi na nagpakita ng iba pang bagay na makakapag tukoy na may plano s'yang gawin.. gayong ensayo 'ko ngayong araw.

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang napakawalan 'ko at pasimpleng lumingon sa paligid dahil bigla na lamang nawala yung babaeng kumausap saakin kanina.. tuluyan na 'kong nagpatuloy sa paglakad papunta sa mesa kung nasaan s'ya nakaupo.

"May nakalimutan 'ka ba sa sasakyan?" Tanong n'ya bago ako tingnan ng malalim.

Mabilis akong umiling. "Wala po.."

Hindi s'ya nagsalita't nagtaas lang ng kamay upang tawagin ang waiter.

Hindi 'ko maiwasang lumingon sa paligid.. gayong agaw pansin ang mga pinta na s'yang tama ang laki't hugis upang makita ang sariling ganda.

"Nagustuhan mo ba ang tema ng café na 'to, Myoui Mina?" Napalingon ako sa tanong ng Alas bago ako mabilis na tumango.

"Tila bumalik ako sa nakaraan.." Tipid 'kong sagot dahil ang totoo'y hindi.

Hindi 'ko gusto dahil nakakaramdam ako ng hindi kaaya-ayang presensya.

Habang hawak ng Alas ang menu ay kaagad 'ko s'yang tinitigan..

Ultimo inosente lamang ang mga akto n'ya ngunit saliwat ang mga galaw n'ya sa pakiramdam na ibinibigay sa'kin ng lugar na 'to.

Mabilis akong napalingon sa kung saan..

Nanliit ang mga mata 'ko ng makakita ng pusa sa isang bintana malapit sa pwesto ng lamesa kung nasaan kami ng Alas.

Napalunok ako dahil nakipagtitigan 'to sa'kin ng ilang segundo bago nagsimulang maglakad paalis.

"Ace Mina?" Kaagad akong napalingon sa Alas—

"Argh!" Mabilis akong napatayo ng tumapon sa'kin ang kape na kasalukuyan na palang nasa harapan 'ko.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now