Chapter Fifty Three: Not so serious confession

410 26 0
                                    

**

Kim Dahyun's Point Of View

Mabilis akong tumakbo papunta sakanila, dahilan para magsitakbuhan din sila paalis, inuna kong puntahan si SinB dahil sya ang pinakamahinang kalaban, kita ko ang hindi nya pagtakbo, unang rason ay dahil ayaw nyang mapagod.

Nakangisi lang sya kaya naman kinuha ko na ang karayom ko at akmang ihahagis na sana sakanya ng may pumatid sakin dahilan para bumalik ang karayom at sakin matusok, shit!

Sa paa ko yon tumama dahilan para hindi ako makaahon dahil sa pamamanhid nito.


Lumubog ako sa tubig dahil sa pagkaparalisa nito..

Madami na akong nainom na tubig pero wala paring tumutulong sakin,

HELP

--

"Ikaw kasi eh! May papatid patid kapang alam eh!"

"Aba! Ikaw nagplano non eh, tapos ako sisihin mo?"

"Oh edi ako naman may kasalanan ngayon? Kung hindi mo sya pinatid edi sana hindi sya nalunod!"

"Kung hindi mo pinlano yon edi sana hindi sya nalunod!"

Pagdilat ko ay nakita kong nakapalibot sakin ang lahat ng mga kasama ko habang nagaaway sila SinB at Jihyo.

"Tama nanga yan.." sabat ko dahilan para mabilis silang mapatingin sakin.

"Walang may kasalanan, at isa pa.. napagdesisyunan kong kayo nalang ang isusumbong ko kay mom para hindi ako mapagalitan.." kita ko ang pamumutla nilang lahat pagkatapos kong sabihin yon.

"Dahyun naman.. parang hindi ka naman kaibigan," rinig ko pang sabi ni SinB bago lumapit sakin at lumuhod.

"Wag mo nang sabihin na kami ang pumitas Dahyun, o kaya naman sila nalang sabihin mo tutal si Irene lang naman talaga ang pumitas binigyan nya lang kami," mabilis na nagkagulo dahil sa sinabi ni SinB, pinagsasapok sya ng ibang myembro habang si Irene naman ay sinakal sya hanggang sa humiga na sya sa lapag.

"How dare you SinB! Pagkatapos mo kong utusan ilalaglag moko?"

Napatakip ako sa tenga ko dahil napakaingay ng mga kasama ko.

Sa totoo lang mas maingay na sila sakin ngayon.

Kinuha ko ang antidote sa bulsa ko at mabilis na itinurok 'yon sa paa ko.

'Ouch..'

Agad akong napaigtad ng maramdaman ko na ang hapdi ng antidote,

"Shh--" nakahawak ang isang kamay ko sa unan samantalang ang isa ay nakahawak sa kaliwang paa ko.

Pansin ko ang paglapit nila sakin habang tinatapik tapik ako,

"Ano bang ginagawa nyo? Shit!" Napahawak na naman ako sa paa ko dahil humapdi na naman ito, hays.. sa susunod nga ay hindi ko na ilalabas ang karayom ko ng basta basta..

"Cinocomfort ka namin," agad kong sinapok ang kamay nila isa isa,

"Umalis nga kayo dito! Nabubwisit nyoko!" Sigaw ko bago humawak ulit sa hita ko, nahihirapan na ako nambubwisit pa sila.

Mabilis naman silang nagsialisan ng sabihin ko iyon bago isarado ang pinto.

"Dahyun.. Can I just stay here for awhile?" Natuon ang atensyon ko sa babaeng nakadikit sa pinto.

Mabilis akong napangiti bago tumango.

"Im sorry if kinain namin yung bunga nung puno.. ang totoo ay ako talaga yung pumilit kay SinB na kumuha dun sa puno, ako lang naman talaga dapat yung kukuhaan nya kaso nagsidatingan yung ibang members.. sorry," nakayuko nyang sabi, pinat ko ang upuan na nasa gilid ko kaya mabilis syang umupo dito.

"Okay na yon.. wag mo nang intindihin, ang mahalaga kahit papano napawi ko yung mga iniisip ko dito.." sabi ko bago sya ngitian.

"Would you mind if I ask you something?" Napatingin ako sakanya ng sabihin nya yon,

"Ano ba yon?" Tanong ko,

"Recently.. nakikita kita na laging tulala, ano po bang iniisip mo?" Tanong nya, nagiwas ako ng tingin, so tinitignan nya pala ako? Ibig sabihin interesado din sya sakin?

////^----^\\\\

"Okay lang naman-"

"Hindi hindi, okay lang.. tutal kaibigan narin naman kita.."

Gusto kong humawak sa dibdib ko ng sabihin ko yon, apat na taon na akong may nararamdaman sakanya tapos hanggang ngayon kaibigan ko parin sya.

'But.. patience is a virtue right?'

"Ako kasi ang inassign ng kataas taasan sa paghahanap ng espiya.." kita ko ang gulat sa mukha nya, "Tinulungan lang ako ni SinB para hindi ako ganong mahirapan, kaso sa mga salitang sinasabi nya sakin, parang mas bumibigat pa yung pakiramdam ko.."

Lumakas ang tibok ng puso ko ng hawakan ni Momo ang kamay ko.

"Wag kana pong ganong magisip.." rinig kong sabi nya bago higpitan ang hawak sa kamay ko.

Napatingin ako sakanya at nakita syang nakangiti, dahilan para mabilis na mawala ang lahat ng tumatakbo sa isip ko, kasabay non ay ang mahigpit na pagyakap ko sakanya.

"Momo.. matagal kong inisip kung dapat ba akong umamin sayo o hindi.. pero.. gusto kita, gustong gusto kita.."



**

Sabaw

@-@

C6: The Cards And The PlayerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz