Chapter Sixteen: Trust

481 23 0
                                    

**



Park Jihyo's POINT OF VIEW:





'Bakit ang tagal naman yata ni Mina?'


Napakamot ako sa ulo ko dahil anong oras na wala pa sya.


Ano kayang pinagusapan nila sa council?


Gusto kong malaman.


Napakaepal kasi ni SinB eh talagang pinalabas pa ako kala mo naman sya yung pinunta ko don.

-.-

Nang hindi na ako makatiis ay tumayo na ako bago pumunta sa council's office at saka kumatok.



Pinagbuksan ako ni SinB, pagkitang pagkita nya palang sakin ay agad na syang ngumisi na kaagad na kinainit ng ulo ko.



Tinirikan ko sya.



"Anong maipaglilingkod ko sainyo Ms. Park Jihyo?" Tanong nya habang hindi naaalis ang ngisi sa labi, ang sarap suntukin.



"Nasan na ba si Mina? Bakit hanggang ngayon hindi pa sya lumalabas?" Sinubukan kong sumilip sa loob pero hindi nya ako pinapasilip at hinaharang nya ang mukha nyang mukhang itlog.



"Ano ba SinB hindi ako pumunta dito para makita ka!" Sigaw ko, nang mapansin kong natuon ang atensyon sakin ng mga taong nasa loob ay napatakip ako sa bibig ko.



Ngumisi na naman si SinB.


"Ang laki laki ng mata mo hindi mo nakitang kanina pa sya lumabas?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.



'Lumabas? Bakit hindi ko napansin?'


"Sa susunod kasi itigil mo ang palaging pag isip sakin para hindi ka laging distracted.." sabi nya dahilan para umarte akong nasusuka.


"Seriously SinB.. never kang dumapo sa isip ko, hindi naman ako nagiisip ng.."



"Ng ano?" Tanong nya, ngumisi ako.



"Ng nilagang itlog.." sabi ko at agad na tumakbo.


"Anong sabi mo!!" Rinig ko ang pagsunod nya kaya naman mas binilisan ko ang pagtakbo.



"Pag nahuli kita dudurugin kita!!" Rinig ko pang sigaw nya, tumawa lang ako ng malakas bago dumiretso sa banyo ng mga lalaki at pumasok sa isa sa mga cubicle, pumatong ako sa bowl para hindi makita yung palda ko kung sakaling may sisilip man.



Mukhang hindi nya na ako nasundan dahil may pumasok ng mga lalaki, napangiti ako.


'Ligtas na ako'



Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko dahil hindi ko na alam kung pano ako makakalabas dito.



Naghintay pa ako ng ilang saglit, nagisip nalang ako ng idadahilan sakanila, pababa na sana ako ng bowl pero agad akong napahinto dahil may biglang nagusap sa labas.



"Balita ko kaibigan na ni Mina Myoui si Joker Dahyun ah" napakunot ang noo ko.



'Kaibigan?'



Isa lang ang Mina Myoui sa campus kaya imposibleng ibang babae ang tinutukoy nila.


"Ah oo, narinig ko ngang sinabi nung transferee sa room kanina.." reply naman ng isa pang lalaki.


"Sa totoo lang.. wag mo tong sasabihin sa iba ha?" Medyo humina ang boses nya kaya naman bumaba ako sa bowl at lumapit sa pinto.


"Inutusan ako ni Nancy na turuan ko daw si Mina Myoui ng leksyon.. ang kaso hindi ko sya makita.." napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig.


O.o


"Eh anong plano mo ngayon?" Tanong nung kausap nya.



"Magaabang ako sa gate, imposible namang hindi sya dumaan sa gate diba?" Rinig kong sabi nya dahilan para maginit ang ulo ko,


'Kailangan ko 'tong ipaalam sa Cards'



Nang wala na akong marinig na naguusap ay bubuksan ko na sana ang pinto pero bigla akong nakarinig ng katok sa pinto kaya naman agad akong umakyat sa bowl.


Agad na lumakas ng pintig ng puso ko dahil sa kaba..


Kung sakaling malaman nilang narinig ko ang lahat ay baka hindi na nila ako pauwiing buhay.


Patuloy ang pagkatok ng tao sa labas..


Unti unti kong sinilip yon at nakita si SinB na nakatingin sa pinto ng Male's.


Napahinga ako ng maluwag..


Buti nalang hindi sya nagpapatalo.


Mas lalo tuloy akong kinabahan, mas natakot pa ako sa pwede nyang gawin sakin kaysa dun sa pwedeng gawin nung mga lalaki.


'Eeeeehhh creepy~'


Nang buksan ko ang pinto ay agad nya akong hinaltak palabas ng banyo.


"Aray!!" Sigaw ko, patuloy ang paghaltak nya sakin bago lumingon sa paligid at huminto.


"Saan mo naisip yung ideyang pumasok sa loob ng Male's Cr para lang makapagtago sakin?" Tumatawa nyang sabi, ngumuso ako.


"Hindi ko nga din alam eh, hindi na ako nakapag isip, pinagsisihan ko nga na pumasok ako kasi nahirapan akong lumabas" sabi ko habang kumakamot sa ulo ko.


"Pinagsisihan mong pumasok don pero hindi mo pinagsisihang binuksan mo yung cubicle at sumama sakin ngayon?" Nakangisi nyang tanong, napatingin ako sa higpit ng hawak nya sakin bago ko ikawag ang kamay ko, sinubukan kong tumakbo pero hinahaltak nya lang ako pabalik sakanya.


"Pakawalan moko!!!" Sigaw ko, pero hinaltak nya na naman ako.


"May itatanong lang ako, Jihyo" napatingin ako sakanya at nakitang seryoso na sya. Agad naman akong nailang, pag ganito kasi yung mukha nya parang dapat mong pilitin yung sarili mo na galangin sya kasi nakakatakot talaga sya.


"Ano yon?" Tanong ko, naglakad sya papunta sa bench kaya sumunod ako.


"Si Mina ba ang nakatanggap ng threaten note?" Tanong nya, sinubukan kong kontrolin ang ekspresyon ko.


"Bakit? Hindi nyo parin ba alam kung sino yung nakareceive non?" Kunyari kong tanong kahit na alam ko naman talaga kung sino yung nakakuha.


"Sagutin mo yung tanong ko Jihyo, si Mina ba yung nakareceive ng threaten note?" Tanong nya ulit, umiling ako.


"Edi sana sinabi ko na agad sayo o kaya sa Cards diba?" Umaarte kong sabi, kahit nakikita kong hindi padin sya kumbinsido ay tumayo na sya at nagpaalam sakin bago maglakad palayo.



'Hindi pwedeng sabihin ko na si Mina ang nakareceive ng threaten note kung kani-kanino lang, kahit na matagal ko nang kilala si SinB ay dapat ko pa ding pagisipan ang bawat lalabas sa bibig ko dahil sa panahon ngayon wala ka nang dapat pang pagkatiwalaan..'




**

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now