Chapter Ninety-Eight: Gayness at its finest

456 17 3
                                    

**

Kim Dahyun's Point of View

"Ayos 'ka lang?" Tanong 'ko kay SinB pagkatapos nyang ikwento saakin ang lahat ng nalaman nya kay Tita Sunmi.

Kahit ako ay hindi makapaniwala.

Sya pa kaya??

Habang nagkukuwento nga sya ay nagtatanong na ako sa utak 'ko kung sino ang karelasyon ni Mom sa Cards or sa Council.

Napailing pa ako sa naisip.

"She's gay." Nakangiwing sabi ni SinB bago nya hawakan ang dibdib nya. "Hindi 'ko inexpect 'yon."

"Are you seeing her gayness negatively?" Tanong 'ko. Kaagad syang umiling.

"Naiisip 'ko lang na paano sya nakalusot saakin na kunwari ay kinikilig sya sa mga nanliligaw sakanyang lalaki dahil alam naman nating dalawa na patay na si Dad." Napangisi ako.

"Ganyan sila kagaling magpanggap." Sagot 'ko bago 'ko alalahanin ang sikretong itinago saakin ni Mom ng labing anim na taon. "All of them are goddamn veteran when it comes to lying."

Ngumisi sya bago tumayo at maglagay ng bote sa fountain.

Hilig nya 'yan.

Araw-araw.

Sa tingin 'ko nga ay sya nalang ang nakakaubos ng bote sa canteen.

"Pang-ilan mo na 'yan?" Tanong 'ko.

Ngumiti sya bago tingnan ang boteng hinulog nya.

"Pang lima ngayong araw."

Napatango ako.

"Sa mga inilagay mo ba dyan ay may natupad na?" Tanong 'ko na nakapagpalingon sakanya.

Iniabot nya saakin ang maliit na papel na hawak nya.

"For me to keep for you to find out. Subukan mo."

Hindi ako tumanggi. Kinuha 'ko kaagad ang papel na inilahad nya.

Bukod kasi sa may posibilidad na masunod ang hiling 'ko ay makakalibre pa ako ng bote.

May kamahalan kasi sa canteen 'yon.

Isinusulat 'ko ang hiling 'ko habang mapait na nakangiti.

Nang matapos ay inilahad 'ko sakanya.

Inilagay nya kaagad sa bote bago nya ibigay saakin.

"Mas maganda kung habang hinahagis mo ay sinasabi mo rin ang hiling mo sa isip." Tumango ako.

Pumikit ako bago humiling.

'Sana.. Sana bumalik nalang yung dati..'

Bago 'ko hinagis yung bote.

Pagdilat 'ko ay kaagad akong napangiti ng malawak.

Lumingon ako sa paligid.

Dito nya ako sinagot.

Noong.. Ako pa ang buhay nya.

"Bakit mo 'ko pinipilit? Diba sabi mo.. mahal mo 'ko??" Tumango ako bago ako ngumuso.

"Oo. Pero kasi.. mahal mo naman ako diba? At mahal na mahal kita." Panimula 'ko. "Kaya nararapat lang na huwag na tayong magsayang ng panahon."

Ngumiti sya.

At sa pang-isang daang beses ay nahumaling na naman ako sa ganda nya.

C6: The Cards And The PlayerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang