Chapter One Hundred Fifty-Four: Ace's Theories

343 15 21
                                    


**

A/N: We're sipping gay teas again~ lol another revelation, over here! so what are ya waitin' for?

**

Kim Yongsun's Point Of View:

"Hani." Kaagad s'yang lumingon sa'kin pero sinigurado 'kong ngayo'y malalabanan 'ko ang mga titig n'ya.

Hindi lingid sa kaalaman 'ko ang nananatili na pagtingin sa'kin ni Heeyeon, at ngayon.. gusto 'kong bigyan ng lunas ang sakit na nararamdaman n'ya ilang dekada na ang nakakaraan.

"What're you doin'?" Seryoso n'yang sabi bago tanggalin ang buhok sa pisngi 'ko.

Muli akong napaiwas ng tingin nang simulan n'yang labanan ang mga titig 'ko.

"Heeyeon.." Bulong 'ko.

Sa labing walong taon ay ngayon 'ko nalang ulit naramdaman ang mabilis na tibok ng puso 'ko.. noo'y sakan'ya 'ko lamang 'to nararamdaman.

"Gusto 'kong malaman mo na hindi 'ko binalewala lang ang nararamdaman mo sa'kin.." Kumunot ang noo n'ya at kaagad na nag-iwas ng tingin. "I mean.. I didn't mean anything. But I just want to say sorry."

Ngumiti s'ya bago ako muling nilingon. "So paano kung hindi ako tuma-tanggap ng sorry?"

Napalunok ako ng magsimulang lumapit ang mukha n'ya sa'kin..

"Pagbibigyan mo ba 'ko sa labing walong taon 'kong pagtitiis?" Ngunit nang tingnan 'ko ang mga labi n'ya'y.. labi lamang n'ya ang nakikita 'ko.

Ang nag-iisang labing nahalikan 'ko sa buong buhay 'ko.

Pero sa pagkakataong 'to'y nais 'kong pakawalan ang walang saysay na pag-ibig na pinanghawakan 'ko sa ilang dekada.. nais 'kong, umibig muli.

Nang malapit na si Heeyeon ay tuluyan na 'kong pumikit pero kaagad na kumunot ang noo 'ko ng hindi parin maramdaman ang mga labi n'ya pagkatapos ng ilang segundo.

Tuluyan akong dumilat at nakita s'yang nakatitig diretso sa mga mata 'ko.

"Pasensya na, Yongsun. Pero hindi mangyayaring traydurin ng puso 'ko ang hari ng kontinente dahil lamang sa pagmamahal 'ko para sayo." Napangiti ako dahil sa sinabi n'ya.

Ibang klase parin talaga ang iniwan ng nag-iisang Hari sa mga puso ng nasasakupan n'ya..

Napaiwas ako ng tingin, ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit na anong pagka-ilang.

Ang tanging naramdaman 'ko lang ay ang ginhawa na hindi tinanggap ni Hani ang mga labi 'ko..

"Kulang 'ka ba sa tulog nitong mga nakaraang araw?" Napatango ako sa tinanong n'ya. "Kaya pala kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa isip mo."

"Kinakabahan kasi ako para sa anak 'ko.. para sa hinaharap ng Timog laban sa Norte."

"H'wag mo 'yong intindihin dahil hindi naman kami papayag na sila lamang ang kikilos sa gyera. Natural lamang na tutulong-tulong ang pangalawang henerasyong bara-"

"Ngunit alam naman nating lahat na hindi gagana ang baraha sa oras na hindi 'to buo.. at walang pag-asang mabuo ang pangalawang henerasyon dahil kahit kailan.. kahit kailan ay hindi na babalik ang hari."

Katahimikan ang nangibabaw sa gitna ng pag-uusap namin ni Heeyeon.. nanatili akong nakatitig sa mga puno sa baba ng sarili n'yang veranda.

"Sa susunod ay h'wag mo na 'kong tinu-tukso, Kim Yongsun. Baka sa susunod ay hindi 'ko na iwasan ang mga labi mo." Napangisi ako sa sinabi n'ya.

C6: The Cards And The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon