Chapter One Hundred Twenty-Six: Bestfriend

347 15 0
                                    


**

Kim Dahyun's Point Of View:

"Ano ba yung pinunta mo rito, SinB?"

Nagkibit-balikat s'ya bago tumingin ng diretso saakin.

"Gusto 'ko lang makita yung mga hikaw mo.. parang hindi 'ko kasi nakikita yung pula mong hikaw."

Naiwas ako ang tingin 'ko.

'Hindi ako stupido, SinB.'

"Ano ba ang gusto mong iparating?" Diretsa 'kong tanong.

"Na hindi mo ako matataguan ng sikreto."

Napatikhim ako dahil sa diretsa n'ya ring sagot.

Napalingon kami sa pinto nang pumasok roon si Mom na mayroong dalang tray.

Dalawang mangkok ng leche-plan at dalawang drinks.

"Sabi mo plain lang ingredients, diba? Here." Bago ibigay ni Mom ang leche-plan na ginawa n'ya.

"Woo.. Salamat, Tita! Buti pa dessert walang sinisikreto." Malakas na tumawa si Mom bago ako titigan ng may kahulugan.

'Nakuha n'ya na rin.'

Pagkaalis na pagkaalis ni Mom ay muli akong humarap kay SinB na kasalukuyang nagpapatuloy sa pagkain.

"What are you trying to point out, SinB?" Inis 'ko ng sabi.

"Don't act like you don't know anything."

Nagulo 'ko ang buhok 'ko dahil sa asar.. bawat salita 'ko ay lagi s'yang may panama.

Hindi na ako nagsalita pa.. at isa pa, hindi s'ya aakto ng ganyan kung wala s'yang nakuhang ebidensya.

Lumipas ang oras nang kumakain lang s'ya ng leche-plan habang ako ay umiinom lang ng drinks.

'Honestly, sa mga gantong oras nakakatakot si SinB.'

Tumayo ako at dumiretso sa veranda.. tumitig ako sa view ng langit.

S'ya na naman ang pumasok sa isip 'ko.

"Paano mo naitago saakin 'yon ng napakatagal na panahon?"

Hindi ako nagsalita at nanatili sa pagtitig sa langit.

"Alam mo ba kung gaano ako asar na asar ng malaman 'ko ang tungkol don?"

Sa pagkakataong 'to ay tumitig na ako sakanya.

"Kung.. kung sinabi 'ko ba sayo noon 'yon ay matatanggap mo?" Sumeryoso s'ya.

"Hindi ako kokontra, alam mo 'yan." Sagot n'ya bago magbalik ng tingin saakin. "Sa dinami-rami ng tao ikaw ang pinaka-nakakakilala saakin.. pero bakit ikaw, bakit parang hindi parin kita kilala?"

Nagiwas ako ng tingin.

"SinB, matagal na panahon na 'yon. Kalimutan na-"

"Kalimutan? Gaya ngayon? Pag nakikita mo s'ya ay umaakto 'kang hindi kayo magkakilala.. hanggang kailan mo balak magtiis?" Panimula n'ya. "Ang katangahan ay nilulugar 'yan. Si Momo ay isang magandang babae, hanggang kailan 'ka makakasiguro na walang manliligaw sakanya?"

Para akong nabibingi dahil sa halo-halo 'kong emosyon.

"SinB, sa tingin mo ba ginusto 'ko 'to?" Nakagat 'ko ang ilalim ng labi 'ko dahil sa pagpipigil. "Mahal na mahal 'ko s'ya pero anong magagawa 'ko?! Sabihin mo kung anong dapat 'kong gawin!" Desperada 'ko ng sigaw.

Nangilid ang luha 'ko nang bigla n'ya akong batukan bago n'ya ako higitin at yakapin ng mahigpit.

Ang tagal 'kong hinintay na may makaintindi sa nararamdaman 'ko.. bakit.. bakit 'ko nga ba itinago 'to sa pinakamatalik na kaibigan 'ko.

"Dahyun-ah.. Paano mo naitago 'yan sa loob mo ng napakatagal na panahon.." bulong ni SinB nang magsimula na akong humagulgol.

Nakita 'ko nalang ang sarili 'kong malakas na umiiyak habang mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap kay SinB.

"SinB.. mahal na mahal 'ko s'ya.. mahal na mahal 'ko si Momo p-pero.. pero bakit ganto." Bumitaw s'ya sa pagkakayakap bago punasan ang luha 'ko. "Bakit kailangang mawalan s'ya ng memorya? Bakit kailangan 'kong masaktan ng ganito?! S-sabihin mo.. masama ba akong tao? Masama ba ang magmahal sa batang edad? Masama bang-"

"Masama na sisihin mo ang sarili mo sa mga bagay na nakatadhanang mangyari, Dahyun." Natahimik ako dahil sa sinabi n'ya..

"Kung nagtitiis 'ka noong hindi 'ko pa alam ay hindi na ngayon. Hindi na ako papayag na ang babaeng pinakamamahal mo ay mapunta sa iba, Dahyun.."

"..hindi ngayong humihinga pa ako."

***

A/N: Another dedication for our lovely reader Julliane Villasin. I'm not following you so I can't tag you but yeah, since you keep on reading this story I thought I don't have to follow because you'll see this immediately. Thank you for every votes and comments!! Thank you!

**

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now