Chapter Four: Mom

666 33 0
                                    

***

Mina Myoui's POINT OF VIEW:


Nakarating kami sa kung saan-saan sa paghahanap ng lugar kung saan ba pwedeng mahanap ang miyembro ng Cards.

"Alam mo pagod na pagod na ako!" sigaw ko sakanya habang nakasandal ako sa puno dahil hindi nya ako pinagpapahinga. Umupo sya sa may bench at hingal na hingal na nagpunas ng pawis.

"Minsan kasi nakikita ko si King-Yoo Jeongyeon sa Music Room.. Minsan naman nakikita ko si Queen-Im Nayeon sa Playground, Si Jack-Son Chaeyoung madalas sa field.. Si Joker- Kim Dahyun sa canteen, Si Player-Minatozaki Sana madalas kong makita sa Gymnasium.. Madalas ko silang makita sa may Rooftop na magkakasama kaya nga hindi ako dumidiretso don e." Pagpapaliwanag nya pa.

"You know what? We should stop right here." sagot 'ko bago tumabi sakanya.

Nagpunas ako ng pawis at nagpowder ng konti.

"Balik na nga tayo sa room." sabi nya sabay tayo,

Habang naglalakad papunta sa Fourth Year's Building ay nagsalita syang muli.

"Pero nagtataka talaga ako e.. ngayon lang nagkaroon ng gantong klaseng project ang mga teachers." Sabi ni Jihyo.

"Paano mo naman nalaman na lahat ng teacher ang nagpaproject n'yan?" tanong 'ko, tinuro nya ang mga tao sa iba't ibang building na aligaga din.

Napakamot ako sa ulo,

"I'm too lucky."

Nang makarating kami sa room ay nagpahinga na kami.

Dumating ang teacher at nagdiscuss saglit. Lumabas din sya kaagad na sobra 'kong pinagtataka.. kahapon hindi naman ganto ah?

Sa bawat teacher na dumating ay halos kalahating minuto lang ang itinatagal sa room, may mga inaasikaso daw kasi sila.. Sa pangalawang araw ng klase may inaasikaso?

"Alam mo, Mina? Bago tayo lumabas dapat hanapin nalang muna natin sila e." pagsuggest pa ni Jihyo.

"Alam mo, Jihyo? Kung gusto mo maghanap ikaw nalang ang maghanap." sabi 'ko saka 'ko binilisan ang paglalakad 'ko.

Sinabayan nya naman ako at nagcling sakin.

"Ikaw naman, di ka na mabiro." nakangiti n'ya pang sabi.

Nang makarating kami sa gate ay inabangan nalang namin si Mom at Ninang.

Siguradong nasa paligid na s'ya dahil anong oras nadin kami lumabas..

Masyado kasing mahaba ang pinakopya ni Ma'am Verna.

"Ooh! That's Mom!" sigaw ni Jihyo sabay turo sa kotse na malapit na saamin.

Saktong huminto 'to sa tapat namin at nagbukas ng lateral window.

"Babies? how's school?" tanong nito.

"You better open the door muna, mom." Sagot ni Jihyo na halatang pagod na pagod.

Nang buksan nya ang pinto ay papasok na sana ako pero nagsalita si Ninang IU.

"Nak, sinundo 'ka ng mom mo.. Wala pa ba d'yan?" Tanong n'ya kaagad na kumunot ang noo ko.

"She's not here. Hindi 'ko pa po sya nakikita." sagot 'ko bago 'ko kamutin ang sentido 'ko.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now