Chapter One Hundred-Seventeen: Don't Come

408 16 6
                                    

**

Ahn Hyejin's Point of View

Ngiting ngiti ako habang nakatingin sa babaeng walang tigil ang pagsabunot sa buhok nya,

"Kung mahal mo, ipaglaban mo." Bulong 'ko dahilan para biglaan syang mapalingon saakin. "Sooyoung.. matanda na tayo para dyan." Dugtong 'ko pa bago ako ngumiti ng tipid.

Alam 'ko ang lahat lahat ng nangyari.. alam 'ko rin kung paano sinusundan ni Hyoyeon si SinB upang protektahan, at alam 'ko rin na nagkita silang dalawa kahapon.. nasa paligid ako sa lahat ng oras.

"Hyejin, ano bang ibig mong sabihin?" Bago nya ayusin ang buhok nya, at umakto na naman na parang walang nangyari.

"Sinabi naming iwasan mo na sya noong nasa middle school palang tayo.. hindi ba? Ngunit anong ginawa mo?" Umiling iling ako bago ako muling ngumiti.

Hindi sya makatingin sa mga mata 'ko.

"Nagsisisi ako na mas pinalalim 'ko pa ang pagmamahalan namin, Hyejin."

Tumango ako.

"Hindi na sya myembro ng Hyo Society." Kitang kita 'ko ang sunod sunod na pagpikit ng mga mata nya, "Matagal na sya itinanggal bilang presidente ng Society na 'yon.. hindi nya lang sinabi sa'yo dahil ayaw nyang mapahiya, wala na syang natatanggap na pera mula noon, bahay nalang nya ang mayroon sya ngayon ngunit ang narinig 'ko pa ay ibebenta nya ito para pumuntang ibang bansa." Mahaba 'kong pagpapaliwanag.

Hindi sya nakapagsalita.

"Ikaw nalang ang inaasahan nya, Sooyoung.. sana'y malinawan ka't magbago pa ang desisyon mo." Bago 'ko i-pat ang buhok nya,

Para akong hangin na nawala na naman sa tabi nya, minsan nga nagtataka narin ako..

'Nabuhay ba 'ko dito sa mundo para solusyunan ang mga problema ng mga problematic na tao sa paligid 'ko?'

Napailing pa ako sa naisip bago 'ko pumasok sa kotse 'kong kanina 'ko pa inistart.

*riiinggg*

Napalingon ako sa aparato 'ko bago 'ko ito sagutin.

"H-hyejin.." kumunot ang noo 'ko ng marinig ang boses ni Sana. Hindi ako nagsalita at nakinig lang, " D-daddy.. Oh please I need to call and talk to someone in just a couple of minute.."

Bahagyang kumunot ang noo 'ko pero agad 'kong pinatay ang tawag,

Kaagad 'kong pinaharurot ang sasakyan.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na ako sa eskwelahan pero wala pa 'ko sa parking lot ay inihinto 'ko na ang sasakyan ng may mapansin akong kakaiba.

May dalawang lalaki ang pansin 'kong nagtatago mula sa pinakamalapit na puno sa gate ng eskwelahan.

'Tama ang hinala 'ko..'

Kinuha 'ko ang lapis at papel sa backpack 'ko bago 'ko isinulat ang sinabi ni Sana ng tumawag sya.

'Daddy.. Oh please I need to call and talk to someone in just a couple of minute.. '

Napatango ako..

Nilakihan 'ko ang mga letrang dapat talaga ay malaki. At niliitan ang dapat talaga ay maliit.

'Daddy, Oh please i Need to call and Talk to someone in just a Couple Of MinutE..'

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now