Chapter Thirty Six: The Joker and her Monji alji?

481 24 0
                                    

**

Kim Dahyun's Point Of View

Hindi parin maalis ang tingin ko kay Momo habang kumakain kami ng tanghalian sa mahabang lamesa sa harap namin.

Napakalakas nya kasing kumain, nagtataka lang ako kung bakit hindi sya tumataba.

"Wag mong titigan baka matunaw.." napatingin ako kay Jeongyeon ng sabihin nya yon referring sa icecream na nasa harap ni Nayeon na mukhang kanina nya pa tinititigan, kinuha ni Jeongyeon ang icecream at ibinigay kay Nayeon na nakapagpangiti naman sakanya.

Nang ibabalik ko na sana ang tingin ko kay Momo ay nakita kong naligaw sakin ang tingin nya habang nakangisi.

Tinirikan ko sya, bago magiwas ng tingin.

"Adik na adik ka talaga dyan Nayeon, kaylan mo ba yan titigilan mahalin?" Napaigtad ako sa sunod nya pang tanong kahit na alam kong ako ang pinariringgan nya dahil gumaganti sya sa pangaasar ko sakanya kahapon.

Hindi ko nalang sya pinansin at ibinalik ang tingin ko kay Momo.

Pero napahinto ako ng makita kong nakatingin din sya sakin.

"B-bakit?" Tanong ko, muntik na kong mapahawak sa puso ko ng bigla syang magpout habang nakaturo sa icecream na nasa harap ko.

"Gusto ko rin!" Sabi nya habang nakatingin at nakapout pa rin.

"A-ah sige.." kukunin ko na sana yung nasa harap ko pero naunahan ako ni Mina.

"That's mine!" Sigaw ko, hindi nya ako pinansin at sinandok na ang icecream na hawak nya tsaka kinain.

'Jjinja!'

><

Pagtingin ko kay Momo ay nakatingin parin sya sakin.

"N-nakuha na ni Mina eh.." sabi ko pero parang wala syang narinig at nakatingin parin sakin.

'Ano bang problema nya? Mamamatay nako sa sobrang kilig dito!'

"Oh.." napatingin ako sa likod ko ng bigla akong kalabitin ni Sana,

"Bakit?" Tanong ko, napatingin ako sa hawak nya at nakitang icecream yon.

"Sakin nalang?" Tanong ko, tumango sya.

"Salamat!" Sabi ko tsaka ko sya yinakap.

Pagbitaw ko ay nakangiti lang sya sakin tsaka tumalikod.

Pagharap ko kay Momo ay nakatingin padin sya sakin kaya mabilis kong ibinigay sakanya yung icecream.

Kitang kita ko ang saya nya habang tinitignan yon.

Napangiti ako.

"Thank you!!" Sigaw nya tsaka ako niyakap.

Pinigilan kong hindi ngumiti dahilan para maitikom ko yung bibig ko, pero pagtingin ko sa mga nasa harap ko ay diring diri lang sila habang nakatingin samin.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil nageenjoy ako sa scenario namin ni Momo.

Pagbitaw nya ay mabilis nyang kinain yung ice cream na binigay ko.

Kakausapin ko pa sana si Sana pero pagtalikod ko ay wala na sya pati si Tzuyu.

"Nasan yung dalawa?" Tanong ko kay SinB, nagkibit balikat lang sya at pinagpatuloy ang pagkain, kaya naman pinagpatuloy ko nalang din ang pagkain ko hanggang sa matapos na kaming lahat.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa field ng tawagin kami.

Ang mga kasunod ko nalang ay ang ibang myembro ng Cards, Council at ang mga kapartner nila.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now