Chapter Nineteen: Secrets

487 28 2
                                    

**

Lee Ji-Eun's (IU) Point of View


Nakatitig lang ako sa malalim na mata ng batang nasa harapan 'ko,

"Bakit parang hindi ka nakakatulog ng maayos 'nak?" Lumingon sya sakin habang ngumunguya.

"Hindi naman po.. nakakatulog naman po ako sa tamang oras.." sabi nya bago mag-iwas ng tingin,

"May problema kaba?" Tanong 'ko umiling sya pagkatapos ay ngumiti,

"Sinabi mo minsan sa'kin na pag may problema ang isa't isa ay sasabihin natin dahil tayong dalawa nalang ang magkasama sa buhay..." Tumango ako, "Kaya kung may problema ako ay sasabihin 'ko kaagad sayo.."

Ngumiti lang ako dahil hindi 'ko alam kung ano ang isasagot 'ko,

Ngayon 'ko lang sya narinig magsalita nang malalim..

'May problema nga..'

"Kung may isinisikreto 'ka na ayaw mong malaman 'ko, ayos lang.. Hihintayin kitang sabihin ang problema mo pag handa ka'na." Nakangiti 'kong sabi bago i-pat ang ulo nya,

"Ganon din ako sayo.."

Nang hindi 'ko naintindihan ang sinabi nya ay iniligpit 'ko na ang mga pinggan sa lamesa.

"You should sleep." Habang naghuhugas ako ng pinggan ay niyakap nya 'ko patalikod,

"Goodnight, mom." Tumango ako bago humalik sa pisngi nya,

Nang maglakad na sya paalis ay tinapos 'ko na ang ginagawa 'ko.

Naglakad ako papunta sa kwarto nya at naabutan sya roong natutulog na,

Isinarado 'ko ang pinto pagkatapos ay naglakad na ako sa veranda ng room 'ko..

Nahilot 'ko ang sentido 'ko ng pumasok sa isip 'ko ang mga nakapanlulumong thoughts 'ko,

"Depression attacks?" Napalingon ako sa babaeng kasalukuyan nang nakaupo sa dining table nang veranda,

Hindi 'ko man lang napansin ang presensya nya,

"Jessica.." Tumakbo ako papunta sakanya saka 'ko sya niyakap,

"Kilala mo pa pala ako?" Ngiting ngiti nyang tanong dahilan para batukan 'ko sya,

"Ang tagal mong hindi nagpakita.." Nakanguso 'kong sabi, natawa sya pagkatapos ay niyakap nya ulit ako.

"Natatakot ako na kapag nagpakita ako ay wala 'ka na.." Nakangiti man sya ay alam 'kong seryoso ang mga mata nya,

Mahina 'ko syang sinapok,

"Kaya nga nilalabanan 'ko ang negative thoughts 'ko ay dahil sa'yo.. Sainyo ng anak 'ko..." Ngumiti sya pagkatapos nyang marinig 'yon, "Tapos ay hindi pa magpapakita ang isa sa mga dahilan kung bakit buhay pa 'ko.."

 Mabilis syang nanghingi ng tawad,

"I'm sorry.."

Habang magkayakap kami ay ngayon 'ko lang ulit naramdaman ang presensya ng pagiging ligtas,

Kung pwede lang na habang buhay kaming ganito.. Ay agad na tatanggapin 'ko,

"WAAAAAAAH!!"

Nagkatinginan kami ni Jessica bago ako nagmamadaling tumakbo papasok sa loob,

Patakbo 'kong pinuntahan ang kwarto ni Jihyo kung saan 'ko sya narinig na sumigaw,

C6: The Cards And The PlayerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin