Chapter One Hundred-Two: Wonha

420 13 3
                                    

**

Sowon's Point of View

"Wala ka bang balak na suyuin si Eunha?" Saglit akong tumingin kay Lisa ng sabihin nya yon bago ko ibalik ang tingin ko sa papel sa harap ko.

"Gustuhin ko mang gawin yon ay wala akong libreng oras, sigurado naman akong maiintindihan nya yon.. mas prayoridad ko ang akademya kaysa pag ibig." sagot ko sakanya habang pinagpapatuloy ang pagpirma ko sa mga paperworks.


"Alam kong priority mo ang academy pero baka nakakalimutan mong monthsary nyo ngayon?" Mabilis kong naitapon ang kahon ng tinta sa lapag dahil sa narinig.

"A-ano? Parang ang bilis naman yata!?" Hindi makapaniwalang sigaw ko bago ako dali daling tumayo.

"What the fuck is going on with all of you? How come nakalimutan mong monthsary nyo?" Rinig ko pang tanong ni Seulgi.

Halos maging si flash na ako nang patakbo kong kinuha ang bag ko sa gilid ng pinto.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob nito.

Patay..

"Oh man! 35 messages 62 missed calls! Nako mukhang may matutulog sa sala mamaya!!" Sabi pa ni Dahyun bago tumawa ng malakas pagkatapos nyang sumilip sa cellphone ko.

Agad akong nakaramdam ng matinding kaba..


"Patay kang bakla ka! Kung ako sayo bumibili na ako ng bulaklak sa pinakamalapit na punirarya para panglagay sa kabaong mo! Hahahaha!" Gatong pa ni SinB habang nakaakbay kay Dahyun.

Tinirikan ko sila.

"Manahimik kayo kung ayaw nyong maibuntong ko sainyo yung galit ko!" Asar kong sigaw sakanila dahilan para mabilis silang manahimik.

Tumingin ulit ako sa screen ng phone ko at viniew ang mga messages nya.

Sunod sunod akong napalunok ng makita kong paulit ulit na are u still busy? lang ang laman nito.

Aalis na sana ako ng mapalingon ako sa isang tambak na paperworks na nasa table ko,

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagsend ng text kay Eunha.

[To: Hwang Eunha <3

Im sorry pero mukhang hindi ko kayang matapos yung paperworks ngayong araw.. sana ay maintindihan mo babe.. maraming problems ang university at kailangan nila ng response ko.. we will celebrate this next time. I promise.

Sent ✓ ]

Ipinasok ko na ang cellphone sa bulsa ko bago ako umupo at ipagpatuloy ang ginagawa ko,

Ramdam kong nakatitig parin silang lahat sakin,

Nang tignan ko sila ay lahat sila ay nakakunot ang mga noo.

"Bakit?" Tanong ko sakanila.

"Monthsary nyo man.." rinig ko mahinang sabi ni Seulgi habang nakatingin sakin ng hindi makapaniwala,

Nagiwas ako ng tingin.

"Presidente ako ng akademyang ito.. paano kung makita ako ng katiwala ng kataas taasan na imbis na gumagawa ng mga gawain ay-"

"Monthsary nyo man.." mabilis na umakyat ang konsensya sa loob ko ng ulitin yon ni Seulgi.

"Araw araw na nga kayong hindi nagkikita, halos yung huling araw na nagkita kayo ay nung bakasyon pa natin.. ngayon nalang kayo ulit magkakaroon ng oras sa isa't isa tapos uunahin mo pa yang mga paperworks mo?" Napabuntong hininga ako dahil sa sunod na sinabi ni Jennie.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now