Chapter Eighty-Five: The brain's battle with the Ace

457 19 3
                                    

**

Mina Myoui's Point of View

"Nakikita mo 'yon?" Tumango ako sa pinto na itinuro ni SinB.

"Dyan lalabas mamaya si Mom, we should be alert at all cost, mahilig mag obserba sa paligid 'yon.." Tumango ako,

Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon habang nag-aabang kami sa paglabas ng Mom nya dahil ang Baraha at ang ibang may katungkulan sa Council ay kanya kanya rin ang trabaho,

Si Irene at Seulgi ay napag-atasan ni Sowon na tumingin pa ng impormasyon sa Internet at kung may articles raw sa deepweb ay patulan na,

Si Dahyun at Sana ay sinabihang magfocus muna sa pinaghihinalaang espiya,

Si Jeongyeon at Nayeon ay pumunta sa kataas-taasan upang ibalita ang pagpunta 'ko roon bilang alas sa susunod na araw,

Si Jennie at Lalisa naman ay ang mga taong pupunta sa lugar kung saan huling nakita ang Hyo Society at magtatanong tanong roon.

Si Sowon ay masyado pang maraming iniintindi kaya kasama nya si Umji na tapusin ang mga papeles na pinipirmahan nya para sa bagong laws sa university,

"There she is.." Bulong 'ko kay SinB,

Tumango sya,

Gaya ng sinabi nya ay lumingon lingon muna ito sa paligid bago dumiretso sa sasakyan nya.

"Good." Bulong nya,

"Hindi kaya nya mapapansin yung tracking device na inilagay mo roon?" Tanong 'ko,

Ngumisi sya.

"Kaya nga inilagay 'ko sa loob ng gasoline pocket nya."

Kumunot ang noo 'ko,

"Wasn't that a stupid move? paano kung magpagasolina sya, all of a sudden?" Tanong 'ko,

Ngumisi sya ulit.

"Hindi nya ugali 'yon, hindi 'yan aalis ng bahay ng walang dalang gasoline gallons."

Nang umandar ang sasakyan ay nagpalipas ng limang minuto si SinB bago sumunod,

"Upgraded ang tracking device na inilagay 'ko sa gasoline pocket ng sasakyan ni Mom."

"Upgraded?"

Tumango sya bago buksan ang ipod na nasa gilid ng manibela nya,

"Look at this one,"

"Woah."

Nakita 'ko kung paano lumabas ang hologram ng sasakyan ng Mom nya sa harap ng ipod nya, pinindot nya ang hologram at saka nya ito izinoom,

Dahilan para makita namin si Ms. Sooyoung na may kausap sa phone,

"Walang recorder?" tanong 'ko, umiling sya.

"Mayroon, pero hindi kasi aabot dahil medyo malayo ang pwesto ni Mom at ang pwesto ng tracking device." Tumango ako,

Kinuha 'ko ang earphone sa bag 'ko bago 'ko ipasak sa ipod nya,

"Baka kahit papaano ay may marinig tayo sa earphone." Sagot 'ko bago ipasak sa tenga nya ang kaparehas ng nakapasak sa tenga 'ko,

At gaya ng inaasahan ay may narinig kaming mahinang salita mula sa earphone,

"Good idea." bulong ni SinB na nakapagpatango sakin.

"M-mianhae.." Kasabay ng pagkaliwa ni Ms. Sooyoung ay ang pagpatay nya sa teleponong hawak nya,

Ilang minuto naming sinundan ang sinasabi ng tracking device.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now