Chapter Thirty Eight: DERO Winners

454 24 2
                                    

**

Chou Tzuyu's Point Of View

Patuloy akong tumatakbo hanggang sa marating ko ang gate papasok sa 3rd course ng laro.

Pagtingin ko sa lock ay code ang kailangan dito.

'Player Sana, nasan ka na ba?!'

Sinubukan kong itutok ang baril na hawak ko pero hindi ito bumabaril..

'Pano ba to gamitin?'

Inalog alog ko ang baril at tinignan kung may button ba sa loob nito pero wala.

"PLAYER SANA!" sigaw ko, ayaw kong maging worthless ang effort na ibinigay ko para manalo lang sa larong ito..

Napangiti ako ng makita kong nauuna syang tumakbo habang nakasunod sakanya ang ibang myembro..

"5643!!" Sigaw nya kaya mabilis kong cinlick ang mga numerong sinabi nya kasabay nito ay ang pagbukas ng lock, agad akong pumasok sa loob habang hinihintay syang makapasok.

Kita ko ang pagod nya pero pinagpapatuloy nya pa ring tumakbo..

'Sana anong dahilan? Bakit lagi mong pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay na hindi naman dapat sineseryoso?..'

"Yaaahhh!" Rinig kong sigaw nya bago mabilis na pumasok sa loob ng gate kaya naman mabilis kong linock ito.

Pawis na pawis ang ibang myembro habang tinatype ang numerong sinabi ni Sana pero hindi ito gumagana.

"Kailangan nating maghanap ng bagong weapon.." sabi ni Sowon kaya mabilis silang bumalik sa pinanggalingan nila, natuon naman ang atensyon ko kay Sana ng hindi parin sya tumatayo sa kinauupuan nya.

"Sana okay kalang? Pwede naman nating ihinto to kung gusto mo.." sabi ko sakanya habang hinihimas ang likod nya, umiling sya habang patuloy na umuubo.

"Nandito na tayo aatras pa ha.. ba tayo?" Sabi nya tsaka tumingin sakin, inalalayan ko syang tumayo tsaka ko sya pinaupo sa isa sa mga malalaking bato.

"Magpahinga ka na muna dyan, ako na ang bahala sa mga kalaban.." sabi ko, "turuan mo lang ako kung paano gumamit nito.." dugtong ko, tumango sya.

"Pag tatakbo na yung kalaban ihold mo lang yung blue na yan tapos may lalabas na dyan" sagot nya. Tumango ako.

Nang makaramdam ako ng nakatingin sakin sa taas ay mabilis kong itinutok ang baril doon kaya naman mabilis yong tinamaan at bumagsak pababa.

"Nice one Tzuyu, mabilis ka palang matuto.." nakangiti nyang sabi sakin,

Napatingin ako sa likod nya ng mapansin kong may gumalaw doon, tumagos ang vision ng EM sa mga damo kaya naman mabilis kong nakita ang dami nila, pinagsunod sunod ko silang tamaan dahilan para mabilis silang maglaho lahat.

"Tara na Sana.. hindi tayo pwedeng magtagal dito baka maabutan nila tayo.." sabi ko tsaka inalalayan sya patayo, tumango sya kaya nagpatuloy na kaming maglakad.

"Ang sabi ng principal ay kailangan daw nating maghanap ng mabigat na bagay.. pwede na kaya to?" Napatingin ako sa sakanya at nakita ko ang malaking bato na itinuturo nya.

"Pero paano naman natin mabubuhat yan?" Tanong ko, bigla nyang inilabas ang Blank Card nya tsaka pumikit.

Pero mukhang hindi sya nagtatagumpay sa gusto nyang gawin.

Maya maya ay sumuko na din sya.

"Hindi sapat ang enerhiya ko.." rinig kong mahina nyang sabi,

C6: The Cards And The PlayerΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα