Chapter One Hundred-One: Pieces

422 15 2
                                    

**

Lee Ye-won's Point of View

"Umji.." Napalingon ako kay President Sowon ng tawagin nya ako, "Pwede 'ka ng mag lunch."

Tumango ako bago nagbigay galang.

"Babalik rin ako agad."

Tumango lang sya kaya naman kinuha 'ko na ang bag 'ko bago ako naglakad paalis,

Naglakad ako papunta sa cafeteria..

Habang umoorder ay kaagad 'kong naisip si Yuju..

Tipid akong napangiti.

"What's your order, Miss Umji?" Tanong ng babae sa counter.

"Two fried rice with burger steak." Sagot 'ko. "Take out."

Minsang naikwento saakin ni Yuju na mahilig sya sa burger steak kaya nangako ako sakanya na bibilhan 'ko sya nito kapag nagkaroon ako ng oras.

"Is that all, Ms?"

"And drinks please."

Nang ibigay nya na saakin ay kaagad 'kong inabot ang bayad,

Nakangiti 'kong inilagay sa bag 'ko ang plastic bago ako tumatakbong pumunta kung nasaan palaging pumupunta si Yuju.

Seryoso akong pumasok sa library pero kaagad rin akong nagsuot ng ngiti ng makita 'ko si Yuju na kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga table..

Kumunot ang noo 'ko ng makitang lumipat sya ng table ng makita ako,

Pumwesto sya sa babaeng nakasalamin habang may mga librong nakapatong sa lamesa nito,

Hindi sya tiningnan nung babae at patuloy lang sa pagbabasa,

Binuksan nya yung isa sa mga librong inilagay nya sa table bago sya magsimulang magbasa.

'Iniiwasan nya ba ako?'

Naglakad ako papunta sa babaeng katabi nya..

Nang hindi parin 'to tumingin saakin ay peke na akong umubo.

Nang makita nya ako ay kaagad syang nagbigay galang.

"Ano pong maipaglilingkod 'ko?" Tanong nito, pasimple 'kong inginuso si Yuju kaya gulat syang tumingin rito.. pero bago pa man sya magsalita ng kung ano ay hinawakan 'ko na ang braso nya bago 'ko sya patayuin.

"Gusto 'ko sanang umupo ri-" hindi 'ko pa natatapos ang sasabihin 'ko ay tumayo na si Yuju at naglakad paalis.

Naitiim 'ko ang bagang 'ko.

'Ano bang problema nya?'

Ibinalik nya sa librarian ang mga libro bago sya maglakad palabas kaya naman kaagad akong sumunod sakanya.

"Yah! Yuju!" Sigaw 'ko bago ako nagmamadaling tumakbo patabi sakanya,

Pero hindi nya man lang ako nilingon na parang wala syang nakikita,

Hinampas 'ko na sya sa braso dahil sa inis,

And this time ay lumingon na sya saakin.

"Ano bang problema mo?" Tanong 'ko.

Umiling lang sya.

"Layuan mo na 'ko, Umji." Kaagad na kumunot ang noo 'ko,

"Bakit 'ko naman gagawin 'yon?" Tanong 'ko. Pero hindi sya sumagot at may kinuhang papel sa bag nya,

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now