Chapter Twenty: The Joker

466 26 1
                                    


**

Unknown Person's Point of View



"Aaaahh!" Sigaw 'ko nang biglang kuryentehin ng healer ang balat 'ko, "Shittt!"

Halos mangiyak ako ng apat na malalaking karayom ang itinusok sa injured body parts 'ko.

"Paumanhin ngunit kinailangan 'kong gawin 'yon dahil sinabi ng inyong ina na kailangan na kayong paalisin kinabukasan,"

Tumango ako.

Hindi 'ko alam kung ilang sigaw ang nagawa 'ko dahil sa sakit ng mga pang gamot nila.

"Maya maya lamang ay aayos nadin ang inyong pakiramdam, kamahalan.."

Nakatitig lang ako sa dingding ng kwebang kinaroroonan 'ko ngayon, hindi pa magiging maliwanag kung walang bintanang magbibigay ng ilaw..

Ramdam na ramdam 'ko parin ang sakit ng buo 'kong katawan,

Ang mukha ko rin ay puro pasa nang dumating ako kanina..

Hindi 'ko na napuntahan si ina dahil mas ginusto 'kong pumunta sa mga taga-gamot dahil ramdam 'kong muntikanan na 'kong mamatay..

"Nakakapanghinayang.." Napalingon ako sa babaeng nagsalita.

"Ina.." Nakangiti sya kahit seryoso ang mga mata nya, "Kinabukasan ay kailangan mo nang kumilos ulit, kaya mo naba?" Tanong nya,

Umiwas ako ng tingin,

Kahit naman hindi 'ko pa kaya ay kayo parin ang masusunod.

"Ilang beses ka nang pumapalya sa ibinibigay 'kong misyon, hindi kaya't kailangan mo ng maparusahan?" Nakangiti nyang tanong.

"Hindi madali ang makipagbakbakan para sa kapirasong kontinenteng kailangan 'kong ipaglaban.." Nagngingitngit na ang bagang 'ko habang sinasabi 'ko 'yon.

"Bakit? Nagrereklamo kaba?" Tanong nya, nang lumingon ako sakanya ay seryosong seryoso sya.

"May karapatan ba 'kong magreklamo?" Sarkastiko 'kong tanong.

Nang makita 'ko ang hindi na maipinta nyang ekspresyon ay agad akong nanghingi ng tawad.

"Bata 'ka palang ay pinaghanda na kita para sa 'yong paghihiganti, ngunit parang nagrereklamo kana ngayon?"

"..Mas iniibig mo naba ang Timog kaysa sa Hilaga?" dugtong nya pa.

Asar akong lumingon sakanya.

"Kung hindi 'ko ba iniibig ang Hilaga ay magpapabugbog nalang ako ng ganito kalala?!"

Natahimik sya,

"Paumanhin." Dugtong ko bago ako nag-iwas ng tingin, ang katawan 'kong sobrang hapdi ang nakakapag-alis sa tama 'kong pag-iisip.

"Hindi 'ko maintindihan kung bakit sa tuwing pupunta ka sa ating kaharian ay puro 'ka pasa.. At sa tingin 'ko 'yan na ang pinakamalala." Panimula nya habang may kinukuha sya sa isang bahagi ng kuweba.

"Ang mga nakakalaban 'ko ay hindi madaling kalabanin." Sagot 'ko lumingon sya sakin.

"Bakit ka nagkaganyan? Sino ba ang kinalaban mo?" Tanong nya, "Ang akala 'ko ay may papatahimikin 'ka lang na isang estudyante?" Dugtong nya pa.

"Akala 'ko rin. Ngunit may dumating na dalawang babae. Hinarang nila ang balak 'kong gawin kay Park Jihyo." Nanlaki ang mata nya nang mabanggit 'ko ang pangalan ni Park Jihyo.

Lumapit sya sakin nang takang taka.

"Park Jihyo ang pangalan ng estudyanteng muntik mo nang patahimikin?" Tanong nya, tumango ako.

"At sa nakikita 'ko ay ang ina nya ang unang umatake sakin, ngunit nagulat ako nang may isa pang babae ang dumating at sinimulan akong kalabanin.." Panimula 'ko, "Bigla nalang syang naghahagis ng tatlong pulgadang karayom."

"Tatlong pulgadang karayom?!" Gulat nyang tanong, kumunot ang noo 'ko. "Hindi mo ba sya kilala?" Dugtong nya pa, agad akong tumango.

"Ang ina ng estudyanteng si Park Jihyo ay ang presidente ng council noon.." Panimula nya, "At ang babaeng naghahagis ng tatlong pulgadang karayom ay walang iba kundi si Jessica Jung."

"Jessica Jung?" Tanong 'ko, pamilyar ang pangalan ngunit hindi 'ko matandaan.

"Ang kilalang 'Joker' ng Pangalawang Henerasyon.."

Natuyo ang lalamunan 'ko dahil sa narinig.

"J-joker?!" Tanong 'ko,

"Kaya't hindi nakapagtatakang bigla 'ka nalang naparalisa,"

"T-teka!" Sigaw 'ko nang akmang maglalakad na sya paalis, "Ang Joker ba ay ang babaeng may pulang hikaw sa kaliwang tainga?" Interesado 'kong tanong.

Tumango sya.

"Kung nakatakas ka sakanya.. Ay nasaatin ang swerte.." Kumunot ang noo 'ko, "Nakapagpatahimik sya ng isang daang katao sa loob ng sampung segundo noong una 'ko syang nakita."

Umalis sya nang walang pasabi,

Nasapo 'ko ang batok 'ko nang sumakit 'to.



'Nasaatin ang swerte? Sa tingin 'ko ay hindi.. Dahil kung nasa atin ang swerte ay hindi mo sana hinaharap saakin ang mga taong kayang kaya akong tapusin wala pang isang segundo..'

**

C6: The Cards And The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon