Chapter Sixty Three: Receiver's Confession

402 21 2
                                    

**

Kim Dahyun's Point of View

"Bakit ang lalim naman yata ng iniisip mo?"

Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Mom sa tapat 'ko.

Tumingin ako sakanya bago ako ngumiti ng pilit.

"Wala 'to mom.."

Pinagpatuloy 'ko ang pagkain 'ko,

'P-paano kung siya nga ang espiya?'

Napapikit ako ng mariin dahil sa naisip.

Hindi pwedeng magbintang ako ng wala akong sapat na pruweba,

"May problema ba?" Tanong ni Mom.

Umiling ako.

"Tungkol parin ba 'to sa espiya?" Tanong nya na naman.

Nag-iwas ako ng tingin at patuloy na kumain.

"Sabihin mo.. Anong maitutulong 'ko?" Tanong nya.

This time ay tumingin na 'ko sakanya,

"I can handle this, Mom." Nakangiti 'kong sagot.

Kahit hindi 'ko na alam kung ano paba ang gagawin 'ko.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako at nagpaalam.

"I'm gonna leave now, Mom.." Nakangiti 'kong sabi bago humalik sa pisngi nya.

Pinat nya ang buhok 'ko bago nya ilagay ang mga pinggan sa lababo.

Nang humarap sya sa'kin ay naglakad na ako papunta sa garage.

Sumakay ako sa sasakyan.

Bago i-start ang engine.

Hinintay 'ko pang pumunta si Mom sa garage para magpaalam pero hindi na sya pumunta pa,

Kaya naman nagnagmaneho na ako papunta sa university.

Habang bumabyahe ay hinihilot 'ko ang sentido 'ko.

"Shit!" Sigaw 'ko bago hampasin ng manibela.

'Otokke?'

"Joker Kim Dahyun." Nagyukuan ang mga gwardiya ng dumaan ako.

Tiningnan 'ko ang wrist clock 'ko nang mapansin 'kong wala pang masyadong estudyante,

'6:20'

Naglakad muna ako papunta sa fountain..

Habang nakatitig sa umaagos nitong tubig ay inimagine 'kong sumasabay dito ang mga iniisip 'ko.

'Sa ngayon.. Hindi muna ako mag-iisip ng mga bagay na pwedeng makasakit sa'kin.'

Napangiti ako sa naisip.

"Crazy?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Nayeon." Nakangiti 'kong sabi.

Umupo sya sa tabi 'ko.

"You look tired.." Sabi nya bago pindut-pindutin ang eyebags 'ko.

Malakas akong tumawa.

"Siguro ay dahil sa espiya.. desperada na 'kong malaman kung sino sya." Sagot 'ko.

Nag-pout sya bago lumingon sakin.

"Why do I have this feeling na parang ayoko ng malaman pa kung sino yung spy." Nag-iwas sya ng tingin.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now