One Hundred-Thirteen: Cancelledt

390 16 2
                                    

**

Yoo Jeongyeon's Point of View

"I'm sorry for the inconvinience but the flight will be rescheduled tomorrow because of the computer issues.. please visit our site for the further informations.. We are sincerely apologizing for wasting your time.. please comeback tomorrow.."

Hindi nawala ang composed 'kong ekspresyon..

'Isa ito sa mga senaryong inaasahan 'ko..'

Lumingon saakin si Mom bago kumamot sa ulo nya.

"I'm sorry, Jeongyeon.  Let's just go back tomorrow." Tumango ako bago tumayo at hinaltak ang maleta 'ko,

Syempre kikilos si Seulgi.. hindi sya ang taong mananatili lang sa upuan nya at walang gagawin.

Seryoso akong naglakad.. para akong isang robot na wala ng nararamdaman..

Sinaktan 'ko ang sarili 'ko sa pag-aakalang susubukan man lang akong pigilan ni Nayeon.. pero syempre hindi.

Pinigilan nya parin yung nararamdaman nya at tinalikuran ako.

Tumaas ang gilid ng labi 'ko kasunod ng pangingilid ng luha 'ko.

'Nayeon.. bakit kahit anong gawin mo sakin mahal na mahal parin kita?'

Napailing pa ako sa naisip bago punasan ang luhang tumulo sa kaliwang mata 'ko,

Hindi 'ko nilingon si Mom ng hawakan nya ang braso 'ko.

"Sorry na." Kumunot ang noo 'ko bago humarap sakanya.

Ngumiti sya ng malawak.. gaya ng lagi nyang ginagawa.

"Inaasahan 'ko namang hindi talaga tayo matutuloy sa States, syempre hindi papayag yung mga kaibigan mo.." panimula nya, "Saka nakakasawa narin doon.. dito nalang muna tayo."

"Hindi naman 'yan ang pinoproblema 'ko.." bulong 'ko.

Pero inaasahan 'ko naring narinig nya ang sinabi 'ko.

"Syempre hindi.. si Nayeon lang naman ang laman ng isip mo kanina pa, diba?" Napalunok ako bago magiwas ng tingin.

"Bakit 'ko naman sya iisipin?" Tanong 'ko bago 'ko buksan yung kotse at ipasok yung maleta naming dalawa.

"Kasi nga mahal mo sya.." sagot nya na ikinatigil 'ko..

"Kung mahal 'ko sya hindi 'ko sana sya iiwanan dito sa Pilipinas.." hindi 'ko alam kung ako lang o nag-iwas talaga sya ng tingin dahil sa sinabi 'ko,

Nang makapasok kaming dalawa sa loob ng kotse ay saka sya nagsalita ulit.

"Iniwan mo sya dahil ang pag-iwan nalang ang natitira mong pagpipilian.."

Naging matunog ang paglunok 'ko,

Binuksan 'ko yung lateral window bago ako dumungaw sa labas..

Pero ang mga numero at salitang nakikita 'ko ay nagpapaalala lang sakanya kaya naman sinarado 'ko nalang ito.

'Bwisit na buhay 'to.'

"Still missing her?" Napailing ako sa tanong ni Mom.

"Kung ayaw mo kay Nayeon ay bakit paalala 'ka ng paalala tungkol sakanya?" Asar 'kong tanong.

Malakas syang tumawa bago ako lingunin habang patuloy na nagdadrive.

"Bakit hindi mo man lang sya pinaglaban? Bakit sinunod mo kaagad ako?" Nakangiti pa sya dahilan para lalo akong mainis.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now