Chapter One Hundred-Seven: The Ace's Practice

375 17 1
                                    

**

Mina Myoui's Point of View

Day 1

Malaki ang pinagsisisihan ko dahil napuyat ako sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Ang Cards lang pala ang tinutukoy ni Chaeyoung na magiging Trainor ko sa isang buong linggong practice.

Ang King sa Monday, kasunod ng Queen,

Kinuha ko ang bimpo sa bulsa ko at mabilis na pinunasan ang mga pawis na walang tigil ang pagtulo.

"Tubig!!" Sigaw ko, nang tignan ko sila ay nakatingin lang sila sakin at hindi manlang nagaabalang tumayo para bigyan ako ng tubig.

"Hindi ka matatapos Mina hanggang hindi ka nakaka 100 push ups kaya kung ako sayo ipagpatuloy mo na!!" Rinig ko pang sigaw ni Dahyun.

Nakaka 15 palang ako at ramdam ko na agad ang matinding pagod.

Bakit ko ba kasi ginagawa to? AISH!!

"Minari Fighting!" Rinig ko pang sigaw ni Jihyo habang may dala-dalang mga pom poms.

Umiling ako.

"WHY DON'T YOU JUST KILL ME!!" Asar kong sigaw.

"HA? Hindi kita marinig!"

Tinirikan ko sya bago ko kinuha ang isa sa mga sapatos ko tsaka ko binato sa direksyon nya.

Hindi sya tinamaan nito dahil mabilis yong nasalo ni Chaeyoung.

"YAH! Paano kung tinamaan ako non at nasira ang maganda kong mukha?!"

Hindi ko nalang sya pinansin at bumalik sa position ko bago ko nagpatuloy sa pagpupush up.

"16..17..18..19..20..21..22.." pagsabay pa nila sa bilang.

Tiniis ko nalang ang init ng semento dahil hanggat hindi ko to sineseryoso ay hindi ako matatapos.

Ayokong abutin pa ng gabi ang pagpapahirap nila sakin.

'I miss my bed..'

T_T

"34..35..36.. AHHH!"

Umupo ako bago ko hinawakan ang mga paa ko.

Parang gusto kong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Pagod na pagod na ko..

HUHU.

Pwede pabang umatras?

Tumingin ako kay Jeongyeon na kasalukuyang nakatayo sa harap ko.

"I'm too tired... Hindi ko na kaya.. Mianhae.." sabi ko sakanya bago ako tumayo.

Kita ko ang gulat sa mukha nya.

"Mina, kakasimula palang natin aatras kana agad?"

Nang marinig yon ng ibang myembro ay agad silang naglapitan.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now