Chapter Twenty Two: Abused

463 27 0
                                    

***

Chou Tzuyu's Point Of View

"Chou Tzuyu.." tumayo ako ng tawagin ako ni Ms. Lily.

Binigay nya sakin ang score ko sa thesis na pinagawa nya sakin last week.

'45 over 100..'

Napapikit ako dahil sa baba ng markang nakuha ko.

"Sana ay naiintindihan mo kung bakit ganyan ang score na nakuha mo, Tzuyu. 60 pages ang kulang sa thesis mo, hindi rin ganun ka klaro ang mga nakasulat hindi katulad ng sinulat mo noong nakaraang taon.." sabi ni Ms. Lily, tumango ako.

"Naiintindihan ko po." sagot ko sakanya,

Hindi ako ganong makapagfocus sa pagaaral dahil sa mga nangyayari sa bahay..

"Pwede bang sabihin mo sakin kung may problema kabang pinagdadaanan baka sakaling makatulong ako?" Nakangiti nyang sabi..

Mapait akong napangiti..

'Meron po.. lagi po akong binubugbog ng tatay ko tuwing umuuwi ako sa bahay.. pinagtatrabaho kahit pagod ako galing sa skwelehan.. paulit ulit na inuutusan kahit na pinanganak naman syang may paa at
kamay..'

Gusto ko mang sabihin ang mga katagang yan ay hindi ko magawa..

"Wala po.. kinulang lang po talaga ko sa budget," sagot ko.

Tumango tango sya,

"Kung ganon.. maaari bang papuntahin mo ang papa mo sa faculty mamaya, ijha?" Tanong nya, napayuko ako.

"S-sige po.." sagot ko.

"Sige.. maaari kanang bumalik sa upuan mo," sabi nya, kinuha ko na ang papel ko at bumalik sa upuan ko.

Napalingon ako kay Momo ng kalabitin nya ako.

"Bakit?" Tanong ko,

"Bakit ka pumayag na papuntahin dito yung dad mo eh alam mo namang devil 'yon," tanong nya habang palihim na kumakain ng chichirya.

"Hayaan mo na.. wala naman akong magagawa eh," tipid 'kong sagot.

Napahawak ako sa hita ko ng bigla nalang 'yong kumirot.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko..

Nang iangat ko ang palda ko ay nakita ko ang malaking pasa na nangingitim na ngayon..

Unti unti nang nagiging paralisado ang katawan ko sa pagbugbog at mga pangaalipusta nila sakin.. ilang araw pa at makakasanayan ko nadin lahat..

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si papa.

[Pa. Pinapatawag ka ng teacher ko. Pumunta ka na daw ngayon. Sa faculty.]

Sent.

*bell rings*

"Tara na, Tzuyu. Kain na tayo," ngiting ngiting sabi ni Momo habang nakahawak sakin.

Pero agad itong nawala ng makita nya ang pasa sa kamay ko.

Nagpout sya.

"Sabi ko naman kasi sayo aampunin nalang kita eh.." mahina nyang sabi dahilan para mapangiti ako pero agad ko din 'yong inalis.

"Nakakahiya.. at isa pa, ako din naman may kasalanan nito eh, natapunan ko kasi ng kape si tatay nung iaabot 'ko na sakanya," sagot ko sakanya.

"P-pero.." hindi ko na sya pinatapos at hinaltak na papunta sa cafeteria.

"Tara na.. libre moko ha?"

"Sure!"

---

Kumakain na kami sa cafeteria ni Momo ng may biglang humaltak ng tenga ko.

Pinigilan kong sumigaw at kumagat lang sa labi ko.

"Wala ka talagang kwenta!! Pinagaaaral kita pero hindi mo pinagbubuti ang pagaaral mo!! Nagpapakahirap ako sa pagtatrabaho!!" Sunod sunod ang patuloy na sigaw na naririnig ko galing sa kanya.

"Bakit? Ano bang trabaho mo? Kung hindi pa ako maglalabada ay hindi pa tayo kakain." sagot ko sakanya,

Nakatingin na sa amin ang lahat ng studyante.. pero pinilit kong hindi sila pansinin.

"Aba! Sumasagot kana ngayon! Kaya mo na ba ako ha? Kaya mo na ba ako!!" Sunod sunod ang natanggap kong sampal mula sakanya,

Kasabay non ay ang sunod sunod ding suntok sa kung saan man nya ako matamaan.

"Siguro lumalandi kana ano?! Sumagot ka!!" Sigaw nya tsaka ako tinulak.

Sumadsad ang hita ko sa lupa dahilan para magkasugat ito.

Tiniis ko ang hapdi at tumayo.

Ang buong akala ko ay tapos na sya pero nakatanggap pa ako ng sunod sunod na suntok sa mukha ko..

"Put* ka! Magasawa ka nalang! Bakit ba kasi pinagaaral pa kita! Katulad ka lang din naman ng nanay mo na lalandi lang at hindi tatapusin ang pagaaral!"

Nagpatuloy pa ang pagsigaw nya at ang pagbuhat nya ng kamay sakin, kahit nasa harap kami ng maraming studyante..

May mga gustong pumigil pero walang magawa..

Pero siguradong marami sakanila ang palihim na natutuwa..

May maipopost na naman sila sa bulletin o kaya naman sa mga social media accounts nila..

Ako na naman ang magiging hot topic sa loob ng isang linggo.

Nagtaka ako ng bigla nalang tumahimik ang mga estudyante habang nakatingin sila sa likod ko.

Sinubukan ko ding tumingin ngunit hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Napahinto si papa..

Unti unti ko ng nararamdaman ang hapdi ng buong katawan ko.

May naramdaman akong nagtayo sakin, pagtingin ko ay hindi ko inaaasahang si Ms. Dara pala yon.. kasama si Momo,

Palihim akong napangiti,

"Wag mo kaming pakeelaman! Anak ko yan! Umalis ka dito kung ayaw mong malintikan!!" Rinig ko pang sigaw ni papa sakanya.

"Guards." rinig kong sabi nya kasabay nun ay ang pagsulpot ng limang guardya at binuhat si papa palabas.

Nagsisigaw pa sya pero wala na syang nagawa.

"Nakakadismaya.." rinig kong sabi nya bago nya ilibot ang tingin sa mga ibang estudyante.

"Marahil ay kung hindi ako tinawag ni Miss Hirai Momo baka napatay na ang isa sa magagaling kong studyante.." napahawak ako sa ulo ko dahil bigla akong nakaramdam ng hilo..

"Wala man lang ni isa na nageffort na tulungan si Ms. Chou Tzuyu sa dami nyong yan!!" Sigaw nya, napatingin ako sakanya, mulang mula sya habang nakakuyom ang palad.

Patuloy pa syang nagsasalita pero wala na akong naririnig..

Unti unti ding nagdilim ang paningin ko kaya napahawak ako sa mata ko, kinusot kusot ko ito.

'Ano bang nangyayari sakin?'

Kinapa ko ang ulo ko at nakitang may dugo iyon..

May naramdaman akong humawak sa magkabilang braso ko pero kasabay non ay ang tuluyan ng pagdilim ng paningin ko..

***

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now