Chapter Thirty Five: The King and her Queen

469 29 0
                                    

**

Yoo Jeongyeon's Point of View

Mabilis lumipas ang oras kapag nageenjoy ka, hindi ko inaasahang masaya pala kasama si Yuju at hindi ko rin alam na mapapahanga nya pala ako sa talinong meron sya.. habang patagal ng patagal ay mas lalo akong nasasabik na maging kaibigan sya, kahit na alam kong hindi sya interesado sa mga katulad kong may katungkulan sa opisyal..

Masaya kaming lumabas sa huling level ng araw na to habang nakangiti, pansin kong nandun na si Nayeon at Umji, hindi na nakapagtataka dahil pareho silang matalino kaya malaki ang advantage nila na manalo at makuha ang kampyonato.

Pansin kong nakasimangot si Nayeon.

"Pinaglihi ba sya sa sama ng loob?" Napangiti ako sa tanong ni Yuju, "Kanina ko pa kasi sya napapansin na ang sama ng mukha, sayang ang ganda nya pa naman.." dugtong nya pa, napailing ako.

"Ganyan talaga sya minsan Yuju.." sagot ko sakanya.

"Ayon sa nabasa ko.. ang hari ang may kapangyarihang pumili ng magiging myembro ng Cards, nagtataka lang ako kung bakit sya ang pinili mong maging Reyna?" Napalunok ako sa tinanong nya.

"Alam kong hindi batid sayong kaalaman na ang ina nya ang reyna ng ikalawang henerasyon hindi ba?" Sagot ko, tumango sya.

"Yon ang dahilan.."

"Yon lang ba?" Pagtingin ko sakanya ay nakatitig sya sakin. 

"Sana naman ay hindi ka magbigay ng malisya.." paglinaw ko sakanya dahil iba ang tingin na ipinupukol nya sakin.

"Hindi ako nagbibigay ng malisya aming hari.. akoy nagtatanong lamang.." sagot nya, inilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ko.

"Nakilala ko si Nayeon nung 1st year highschool kami, yung mga panahon na hindi pa ako napipili ng kataas taasan na maging hari, yung mga panahon na normal na estudyante lang ako.. si Dahyun palang ang kaibigan ko non dahil mahilig din syang maglingkod sa simbahan katulad ko, one time uwian na non tapos nadaanan ko yung playground, may malakas na iyak akong naririnig mula don kaya napagpasyahan kong dumiretso, don ko unang nakilala si Nayeon at don ko din sya unang nakausap.." binagalan namin ng kaunti ang paglakad namin.. "Tinanong ko sya kung bakit sya umiiyak tapos ang sabi nya.. binackstab daw sya nung mga kaibigan nya na akala nya kaibigan nya talaga.. habang umiiyak sya may parang biglang tumatak sa isip ko habang pinapatigil ko syang umiyak.." tumingin ako sakanya,

"...kaya ang sinabi ko sakanya.. 'wag ka nang umiyak.. bibilhan nalang kita ng icecream' natuwa naman ako dahil mabilis syang ngumiti, pagtapos nung nangyaring yon.. palagi ko na syang kasama, naging matalik ko syang kaibigan kaya nung napili akong maging hari ng kataas taasan sya yung pinili ko na maging Reyna ko tutal wala namang problema dahil reyna din naman si Queen Taeyeon noon.." mahaba kong kwento ko sakanya umaasang hindi nya napansin ang mga katagang nilaktawan ko kanina..

Pero gaya ng inaasahan ay nakakunot ang noo nya habang nakatitig sakin..

"Ano yung tumatak sa isip mo habang pinapatigil mo syang umiyak?" Direkta nyang tanong,Peke akong umubo senyales na pribadong parte na iyon ngunit hindi nya yon pinansin at nakatingin lang sakin habang naghihintay ng isasagot ko sakanya.

At dahil wala na akong pagpipilian ay mabilis ko sakanyang ibinulong ang sagot ko.

"Na hinding hindi ko na sya hahayaang umiyak at lagi ko na syang poprotektahan.." sagot ko tsaka ngumiti sakanya, pansin kong tumaas ang gilid ng labi nya pero agad nya itong pinigilan.

"Ah ganun ba.." tumatango nyang sabi, parehong natuon ang atensyon namin sa harap ng marinig ko ang mahinang paghagikgik ni Dahyun, nang mapansin kong lahat sila ay nakatingin saming dalawa ay agad akong lumayo kay Yuju dahil hindi ko napansing masyado na pala akong malapit sakanya.

C6: The Cards And The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon