Chapter Eighty-Nine: Can't

421 17 1
                                    

**

Yoo Jeongyeon's Point of View

Hinihintay 'ko na lamang ang pag-alis ni Player Hyejin sa loob dahil ako naman ang susunod, manghihingi ako ng tawad sa inasal 'ko kanina.

Napalingon ako kay Nayeon na nadadalas ang pagseryoso nitong mga nakaraang araw.

Napalunok ako ng maalala ang scenario noong huli kaming nagkasama..

Sinabi nyang gusto nya ako, kahit alam 'kong nagbibiro lang sya ay sinabi 'kong hindi kami pwede sa isa't isa, simula noon ay hindi nya na ako pinapansin, o kung pansinin nya man ako ay casual nalang.

"Huy!"

Napalingon ako sa babaeng lumabas mula sa pintuan ng kwarto.

"Oh ano? Sabi 'ko na sayo diba? Nasa loob nga si Player Hyejin!" Nakangiwing singhal ni SinB kay Jihyo.

"Eh malay 'ko ba!! Ang akala 'ko ay nagbibiro 'ka lang.." Sagot ni Jihyo bago 'to maglakad papunta kay Mina, "0h ano kamusta na?" Tanong nya pa rito,

Bumuntong hininga si Mina na akala mo'y bitbit nya ang mundo.

"Ano bang nangyari kay Jack Dara?" Tanong pa ni Jihyo bago sya umupo sa tabi nito.

"Tinamaan pala sya ng dagger na ibinato ni Player Hyejin sa labanan kanina, kaso ay hindi nya pinaalam." Sagot ni Mina,

"Paano nyo nalamang kay Player Hyejin nanggaling 'yon?" Tanong ni Jihyo saamin,

"Bukod sa katibayan na nakita ng Doctor ang rabies sa dugo nya nung binlood test sya ay nakita rin pala ni SinB." Sagot ni Dahyun,

Mabilis syang humarap kay SinB.

"Oh bat hindi mo kaagad sinabi na tinamaan si Jack Dara? Bakit pinatagal mo pa?" Tanong ni Jihyo rito.

"Eh malay ko bang hindi pala sya didiretso sa Clinic, ang akala 'ko ay magpapagamot kaagad sya." Wala ng nagsalita pagkatapos,

Napangiwi ako, talagang kakaiba silang dalawa. Bigla nalang silang tumitigil ng walang dahilan.

"Mukhang nagpapakamatay nga talaga sya." napatango ako sa sinabi ni Sana.

"Ikaw ba namang hindi ibigin pabalik ng mahal mo, magkaaway pa kayo ng kaibigan mo, tapos nawalan ka pa ng anak.. sino ba naman ang gugustuhin na mapunta sa kalagayan nya?" napatango akong muli sa sinabi ni Dahyun, pero kaagad din akong nakabawi kasabay non ay ang pagkunot ng noo ko.

"At saan mo naman nalamang hindi inibig pabalik si Jack Dara ng taong mahal nya?" Tanong 'ko, nakita 'ko pa ang paglunok nya at paglingon sa paligid.. nang nakita nyang lahat kami ay nakatingin sakanya ay kaagad syang nagpeke ng ubo.

"W-wala.. prediction lang. Hehe.." Napangiwi akong muli.

"Manghuhula ka na ba?" Panimula 'kong tanong, "At eksaktong eksakto pa ha?"

Lumawak na naman ang ngiti nya,

Pero mabilis na natuon ang atensyon namin sa taong nagsalita.

"Minahal nya noon si Mom." nanlaki ang mata 'ko sa sinabi ni Nayeon.

"Minahal? What do you mean?" Tanong ni Mina.

"Minahal.. nagkagusto sya kay Mom. She confessed.. pero sinaktan lang sya nito."

These past few days ay nagiging matured na ang pagsasalita nya.

Unti-unti na syang nagbabago..

"Waw! Waw!" Napalingon ako kay Dahyun ng bigla syang sumigaw, "Sinabi rin saakin 'yan ni Player Hyejin." Sagot nya.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now