Chapter One Hundred Fourty-Eight: The Player's Apology

407 25 2
                                    

**

Ahn Hyejin's Point of View:

"You're 3 minutes late, Myoui Mina." Kitang-kita ang pamumutla ng bata sa harap 'ko ngayon habang pawis na pawis na ibinaba ang bag n'ya sa sahig kung saan kami nag eensayo.. sa lugar din na ito kami nag-ensayo noon ng Pangalawang Henerasyon kaya't hindi 'ko parin maiwasang hindi maalala ang nakaraan.

"S-Sorry-"

"Napag-aralan mo na ba ang mga weapons na pinagamit 'ko sayo last time?" Tanong 'ko pa.

Mabilis naman s'yang tumango.

"Good.. since nareklamo ako sa head ng Academy dahil sa sobra 'kong pagsasanay sa'yo ay mukhang kailangan muna nating magpahinga ng kaunti." Kitang kita ang biglang pagliwanag ng mukha n'ya dahilan para hindi 'ko na rin mapigilang mapangiti.

"Umupo 'ka na muna sa sahig." Tahimik lang s'yang sumunod kaya naman kinuha 'ko na ang tinimpla 'kong kape para sa aming dalawa.

Marahil ay inaakala n'yang pinagbigyan 'ko ang hiling ng mga kaibigan n'ya kaya kami nagpahinga ngayon..

Ang hindi nila alam ay kinausap ako ni Yongsun tungkol dito.. sinumbong kasi ni Jessica sakanya na nagrereklamo na ang bagong Baraha dahil masyado 'ko raw pinahihirapan ang anak n'ya.. na hindi naman daw naranasan ng bagong henerasyon.

"Gusto 'ko po sanang mag sorry kasi.. parang ako po yata yung nagsumbong kayla Dahyun kaya naging malala lahat.." umiling lang ako bago humigop sa tinimpla 'kong kape.

"May pagkakamali rin ako kaya hindi mo na kailangang manghingi ng tawad.. ang totoo n'yan ay wala ako sa mood nung nakaraang araw kaya't sayo 'ko naibuntong ang sama ng loob 'ko." Gaya ng inaasahan ay nginitian n'ya lang ako at hindi na kumibo pa. "Patingnan nga ng likod mo.." Pinatalikod 'ko sya bago 'ko dahan-dahang iniangat ang T-shirt na suot n'ya.

>.<

Hindi 'ko inaasahang ganito kalalaking pasa pala ang nagawa 'ko sa pakikipaglaban sakan'ya nung nakaraan.

Hindi ako makangiti sakan'ya ng humarap na sya ulit sa akin.

Mabuti nalang at hindi alam ni Mina na alam ni Yongsun ang page-ensayo n'ya bilang bagong Alas ng Baraha.. kung hindi ay bugbog ako 'kay Yongsun pag nagkataon.

"Pagpasensyahan mo na talaga ako Mina ha.. nasanay kasi ako sa ganitong uri ng page-ensayo kaya ang akala 'ko ay kakayanin mo rin. Siguro ay tama nga ang mga kaibigan mo.. gagawa ako ng paraan upang hindi sumobra ang page-ensayo natin.. pakisabi na rin sa mga kaibigan mong parte ng baraha na may pinapasabi ang kataas-taasan sakanila." Kita ang pagkunot ng noo ni Mina bago hawiin ang buhok n'ya.

"Ano po 'yon?"

Tumikhim ako bago ngumiti sakanya ng malaki.

"Sasabihin 'ko mamaya kapag nandito na sila.. ang gawin mo nalang muna siguro ngayon ay tawagin sila para makapagsimula na tayo."

Ilang minuto palang ang nakalipas simula ng paalisin 'ko si Mina para tawagin ang ibang myembro ng baraha.

Habang wala pa s'ya ay sinimulan 'ko ng itext isa-isa ang makakasama 'ko para sa mangyayari mamaya.

Ilang saglit pa ang lumipas ay ramdam 'ko na ang pag-galaw ng mga tenga 'ko dahil sa yapak at pag-uusap na naririnig 'ko ilang kilometro mula rito.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now