Chapter Forty One: Tease+Tease=Kiss

449 23 2
                                    

**

Park Jihyo's Point of View


"Nabalitaan mo naba?"

"Yung ano?"

"Yung tungkol sa nangyari kay Ms. Hwang Eunbi at Joker Kim Dahyun."

Nagkatinginan kami ni Mina nang marinig namin 'yon mula sa mga nagdadaanang mga estudyante.

"Bakit ano bang nangyari?" Tanong 'ko kay Mina, nag kibit balikat sya,

"Malay 'ko."

Hinaltak 'ko sya papunta sa gymnasium.

Baka nasa bulletin board yung pinag-uusapan nila..

Digmaan ang nangyari dahil sa dami ng mga estudyanteng nakikitsismis din sa bulletin board.

Napailing ako ng mabasa 'ko ang papel na nakapost sa bulletin board.

Pawis na pawis ako pagbalik 'ko kung nasaan si Mina,

"Oh ano raw nangyari?"

Nagpunas ako ng pawis 'ko bago ako nagsalita.

"Inatake kagabi ng espiya si SinB at Joker Dahyun," nanlaki ang mata nya at napatakip pa sya sa bibig nya.

"What happened?" Tanong nya.

"Malalim ang sugat sa tiyan ni Joker Dahyun, ang balita 'ko pa ay muntik na ihulog si SinB ng espiya sa veranda buti nalang at may tumulong sakanila.."

"Sino raw?" Nagkibit balikat ako.

"Hindi sinabi e."

Habang naglalakad kami papunta sa room ay sinasabi nyang kailangan nyang puntahan si Dahyun sa hospital.

"Kaya mo na 'yan mag-isa." Bulong 'ko. "Paano kung ako na naman ang puntahan nung espiya?"

Tinirikan nya ako kaya nagiwas ako ng tingin.

"Naiisip mo ba ang sinasabi mo? Nasaktan sila. Kailangan natin silang puntahan." Sabi nya kaya kunot noo akong lumingon sakanya.

"Kaibigan 'ka ni Dahyun pero hindi 'ka kaibigan ni SinB. Ako, kahit isa sakanila wala akong kaibigan. Kaya bakit 'ko sila dadalawin?"

Hindi sya nagsalita.

Pero pagkalipas ng isang minuto ay nagpumilit na naman sya sa gusto nyang mangyari.

"But! Ilang taon na nilang pinoprotektahan ang university na 'to. Ang ibig sabihin ay ilang taon ka narin nilang pinoprotektahan. Kaya may utang na loob 'ka sakanila."

Umiling ako,

"Nagkakaroon 'ka lang naman ng utang na loob kung labag sa loob ng tumulong ang pagtulong nya sayo.. Mina." Pangangatwiran 'ko pa.

"At isa pa, never 'ko namang ginusto na mag-aral sa skwelahang 'to. Si mom lang ang nagpumilit sakin." Dugtong 'ko pa.

Hindi na sya nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa loob ng classroom.

At hindi na naging normal pa nung natapos na ang pang umaga naming klase,

Hindi parin nya ako pinapansin hanggang maglabasan.

'Great. So no choice pala ako?'

"Okay fine!" Sigaw 'ko. Paglingon 'ko sakanya ay nakangiti na sya at saka sya yumakap sa'kin.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now