Chapter Ninety-Nine: Katze

412 18 1
                                    

**

Mina Myoui's Point of View

Hindi ako makatulog..

Iniisip 'ko yung nangyari kanina.

Ang akala 'ko ay makikita 'ko na ang kataas taasan pero may pinasagutan lang sila saakin.

Hindi 'ko na nga maintindihan yung iba..

Sagot nalang ako ng sagot.

"Psst."

Gulat akong napalingon sa veranda ng may marinig akong pumaswit mula roon.

Kaagad akong tumayo..

Dahan dahan akong naglakad papunta sa nakasaradong kurtina ng pintuan ng veranda.

Pumunta ako sa pinakagilid bago 'ko dahan dahang binuksan ang kurtina pero kaagad akong mahinang napasigaw ng makita 'kong nakatitig na saakin ang babaeng nasa labas ng veranda.

Kitang kita 'ko ang umiilaw nyang mga mata.

'W-what the.'

Kaagad 'kong sinarado ang kurtina.

Nahawakan 'ko pa ang dibdib 'ko dahil sa sobrang kaba.

Kitang kita 'ko na si Player Hyejin ang taong 'yon..

Pero bakit umiilaw ang mga mata nya?

A-ano sya aso? O-or pusa?

*knocks*

Kaagad akong napatalon ng may biglaang kumatok sa pintuan ng veranda 'ko.

Nahawakan 'ko pa ang nanginginig 'kong mga kamay.

'Fucking coward..'

*knocks*

Alam 'kong nakita nya 'kong tumingin sakanya kanina..

At siguro ay narinig nya pa ang sigaw 'ko..

Kaya alam nyang gising ako pero kasi..

Nakagat 'ko ang ilalim ng labi 'ko bago 'ko dahan dahang binuksan ang kurtina ng veranda.

At sa pangalawang pagkakataon ay nanindig ang balahibo 'ko ng makitang nakatayo sya sa harap ng transparent glass na pintuan ng veranda habang diretsong nakatingin saakin..

Nang umiilaw parin ang mga mata.

"P-Player Hyejin.." bulong 'ko habang dahan dahang binubuksan ang pintuan kahit pa unti unti na 'kong kinikilabutan.

Narinig 'ko ang mahina nyang pagtawa na lalong nagpataas sa kilabot na nararamdaman 'ko.

"Are you scared?" Bulong nya bago dahan dahang lumapit saakin. Nakita 'ko pa ang sarili 'kong bahagyang umatras ng makalapit na sya.

"P-Player Hyejin.. ano pong ginagawa nyo rito?" Bulong 'ko habang nakayuko.

"Pwedeng patikim ng dugo mo?"

Gulat akong humarap sakanya.

"P-Po?!"

Malakas syang tumawa bago ako hawakan sa balikat.

"Just kidding." Bulong nya. "Why do you look pale?"

Napalunok ako ng makita 'ko na ang Player Hyejin na kilala 'ko.

"Y-You look scary." Bulong 'ko bago ako lumingon sa mga mata nya, "Y-your eyes.."

Nanlaki ang mata nya dahilan para mas makita 'ko pa ang mga ito.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now