Chapter Forty-Five: Reality

480 23 2
                                    

***

Kim 'Sowon' Sojung's Point Of View:

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa babaeng nasa harap ko ngayon, kitang kita 'ko kasi ang saya n'ya sa regalong ibinigay 'ko para sa second anniversary namin..

"Thank you.." Nakangiti pa rin sya habang nakatitig sa plushie na rinegalo 'ko.

Pansin 'ko ang unti unting pagtulo ng luha galing sa mga mata nya dahilan para mas mapangiti ako..

"You're crying again.." Sabi ko then pat her head,

Tumingin s'ya sakin bago magtakip ng mukha at patuloy na umiyak.

Napakunot ang noo ko.

"E-eunha may problema ba?" Tanong 'ko saka umupo sa isang bato malapit sakanya,

Nandito kami ngayon sa likod ng fourth year's building.

Gusto 'ko mang ilabas s'ya tuwing ganitong okasyon ay hindi 'ko magawa, makikita kami ng mga katiwala ng kataas taasan at paniguradong malaking kaparusahan ang matatanggap 'ko pag nalaman nila ang relasyon naming dalawa.

Inalis 'ko ang kamay na nakaharang sa mukha nya.

"Eunha.. Tungkol na naman ba 'to 'kay Umji?" Tanong 'ko, umiling sya.

"Oh eh b-bakit ka umiiyak?" Natataranta 'ko nang tanong dahil hindi padin sya tumitigil sa pagiyak at mas lalo lang itong lumalakas.

Mabilis 'ko s'yang yinakap para pakalmahin sya, 

"Sshh... Tahan na.." Sabi 'ko pinapat ang likod nya, nang kumalma na sya ay bumitaw na ako at humarap sakanya.

"So ano ngang problema bakit umiiyak ang Eunha 'ko?" Tanong 'ko ulit habang hinihimas padin ang likod nya.

"N-natatakot lang kasi ako.." Sabi n'ya habang nakanguso, kinuha 'ko ang panyo sa bulsa 'ko at mabilis na pinunasan ang luha nya na tumutulo na naman.

"Natatakot saan, Eunha?"

"Naiisip ko kasi pano kung.. Pano kung dumating na yung araw na pinakakinatatakutan 'ko.."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya..

Hanggang ngayon pala ay iniisip nya parin ang tungkol doon.

"Paano kung.. Makahanap na ang kataas taasan ng lalaking ikakasal sayo, Sowon? Paano tayo?" Napalunok ako sa sunod nyang itinanong, hindi sya nagoopen sakin ng mga ganitong bagay kaya naman hindi ako handa sa mga pwede kong sabihin.. Yumuko ako bago umupo sa kanina 'kong inuupuan.

"Sowon.. Kahit gaano katagal tayong magtago wala akong pakeelam.. Kahit habang buhay tayong magtago hindi ako magrereklamo.." Napatingin ako sakanya ng humagulgol na naman sya, kinuyom ko ang kamao ko.

Sya ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong maging presidente noong dumating na ang halalan..

Ayaw 'kong magkaroon ng pamilya at iwan syang mag-isa..

Pero ayaw 'ko ding biguin ang pamilya ko dahil kahit pagod na pagod na ako sa katungkulan 'ko ay makita 'ko lang ang mga nakangiti nilang mukha habang proud na proud na nakatingin sakin ay nawawala na ang pagod 'ko at unti unti 'ko na ding natatanggap ang kapalaran 'ko..

'Hindi ko na alam..'

Ayaw kong madissapoint ang pamilya 'ko sakin pero ayaw 'ko ring iwan mag-isa si Eunha..

"Wala akong pakielam kung hindi mo ako maipagmalaki bilang girlfriend mo.. Pero.. Hindi ko yata kaya na makita kang ikasal sa iba habang ako pinapangarap pa din na ikasal sayo.." Napapikit ako ng salubungin nya ang mata ko.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now