Chapter One Hundred-Eighteen: Only

402 16 1
                                    

**

Jung Wheein's Point of View

Seryoso akong nakatitig sa bulaklak sa harapan 'ko..

'Hyejin..'

Napangiti ako sa naisip,

Kung hindi nya kaya ako pinanindigan ay ano kaya ang kahahantungan 'ko?

Mapait akong napangiti.

Hindi kagaya ni Yongsun.. malamang ay wala na ako ngayon.

"Ano na naman ang iniisip ng mahal 'kong tuta?"

Kaagad 'ko syang sinapok.

"Tuta?!" Sigaw 'ko, ngumiti sya ng malawak bago ako akbayan.

"Tuta. Dahil ang tuta.. hindi nang-iiwan." Napakunot ang noo 'ko dahil sa wala nyang kakwenta kwentang pick-up line.

"Manahimik 'ka." Sagot 'ko sakanya bago ako muling tumitig sa bulaklak sa harap 'ko.

'Minsan mas gusto 'ko pa 'tong titigan kesa sakanya.'

Napalunok ako ng mapansing hindi sya nagsalita.

"May problema ba?" Kaagad 'kong tanong, tumingin sya saakin bago ngumiti.

"Kung hindi kaya tayo nagkatuluyan ay ano kayang hitsura ng mga anak natin ngayon?" Napailing ako.

"Tingin mo talaga makakahanap ako ng hihigit sayo?" Napalingon sya saakin.

"Yiieee. Kinilig naman ako don." Bago sya muling nag-iwas ng tingin.

'Nakakapanibago.'

"Bakit ba nag-iisip 'ka ng ganyan?" Tanong 'ko bago sya hawakan sa kamay.

"Wala.." panimula nya, "May naalala lang ako.."

Seryoso akong tumitig sakanya.

"Sino?! Si Bom? Iniisip mo parin ba na kung hindi tayo nagkatuluyan ay baka kasama mo na sya ngayon?" Napangiti sya bago ako mahinang kinonyatan.

"Pag sinuka 'ko na, sinuka 'ko na." Bulong nya bago nya ako muling tingnan. "Ikaw lang naman yung ilang beses 'ko ng isinuka pero hindi 'ko pinagsasawaan."

Ramdam 'kong uminit ang mukha 'ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Naiiba tayo e.." pag-iiba 'ko sa topic, "Sino nga yung naalala mo?"

Sya naman ang nag-iwas ng tingin at tumingin sa asul na langit.

'Mukhang uulan..'

"Si Moonbyul." Kaagad akong napalunok, "Yung relasyon nila dati ni Yongsun."

Tumingin sya sa'kin.

"Kung.. hindi kaya natin sila pinayagang magkahulugan ay.. kasama pa natin ngayon si Byul?"

Huminga ako ng malalim.

"Kung hindi sila nagkakilala.. malamang ay hindi rin tayo nagkita, diba buntot 'ka ng buntot noon kay Byul?" Malakas syang tumawa,

"Hindi nya ako buntot, we're bestfriends." Tumango ako. "Namimiss 'ko na yung taong 'yon."

Napangiti ako.

"Yung ngiti nyang makalaglag panty." Kaagad syang lumingon saakin.

"So yung ngiti 'ko hindi makalaglag panty?" Tanong nya,

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now