Chapter Eighty-Six: Techno's Power

464 15 0
                                    

**

Son Chaeyoung's Point of View

Sa kabila ng mga nangyayaring kaguluhan ay natutuwa akong makita na natututo ng natututo si Mina sa mga bagay na nalalaman nya,

Mukhang nagkamali nga ako,

Karapat dapat syang maging isang Alas.

"Chaeyoung-ah. Malayo paba ang byahe?" Tumango ako sa tanong nya,

"Sinabi ni Jennie at Lisa na sumakit ang likuran nila dahil sa tagal ng byahe." Sagot 'ko, tumango sya bago mag-iwas ng tingin.

Naririto kami ngayon sa sasakyan ko habang nagba-byahe papunta sa isang lugar kung saan madalas magpunta ang Hyo Society,

Si SinB at Jeongyeon ay dumiretso sa bahay ni Tita Sooyoung ganon narin si Sana, habang si Sowon, Jennie, Lisa, Nayeon, Irene at Seulgi ay nanatili sa Unibersidad.

"Nagugutom 'ka naba?" Tanong 'ko sakanya ng makitang nakahawak na sya sa tyan nya,

Nakanguso syang tumingin sakin bago tumango,

Napailing ako ng biglang dumungaw saamin si Dahyun mula sa likuran at ginaya ang ginawa ni Mina,

Lumingon ako sa daan at may nakitang street food vehicles.

"Okay ka na ba sa barbecue?" Tanong ko sakanya,

Pero napangiwi ako ng si Dahyun ang sumagot.

"Ako. okay na ko kahit kwek kwek."

"Hindi kita tinatanong."

Tumango si Mina bago ngumiti.

Inihinto 'ko ang sasakyan sa gilid at pinagbuksan ng pinto si Mina,

"Ako rin!" Napailing akong muli bago ko pagbuksan si Dahyun ng pinto ng sasakyan.

"Sabi na eh.. dapat di ka nalang sumama." nakatirik kong sabi sakanya dahilan para malakas syang tumawa.

"Para masolo mo si Mina? Hah? Hah?" nakangisi nya pang tanong habang sinisiko ako,

Napailing na naman ako bago maglakad papunta sa vendor.

"Ano ba ang gusto mo, Mina?" tanong 'ko sakanya.

"What's this?" tanong nya bago ituro ang pabilog na may tusok tusok na parang pinritong itlog.

"Ewan 'ko." sagot 'ko bago ako lumingon kay Dahyun na kasalukuyang pinupuno na ang hawak nyang cup, "Huy! Sapat lang ang dala 'ko wag mo namang sagarin."

Ngumiti sya ng malawak bago magpatuloy,

"Ano kamo?" Tanong nya bago humarap sakin ng ngumunguya,

"Ano raw 'to?" Tanong 'ko sakanya bago muling ituro yung may tusok tusok na itlog,

Malakas syang tumawa.

"Yan lang hindi nyo alam? Okoy ang tawag dyan." Nakangiting sagot ni Dahyun,

Napatango ako.

"Masarap ba yan?" Muli kong tanong,

Ipinakita nya saakin ang cup na hawak nya,

Mayroon syang tatlong Okoy na kinuha.

"Galing mo rin e no? Ikaw ba magbabayad nyan?" Malakas na naman syang tumawa bago umakbay sakin,

"Kaya nga nandyan ka." Siniko ko lang sya bago ko kuhaan ng cup si Mina,

"Thank you." Napangiti ako ng makitang ngiting ngiti sya habang nakatingin sakin,

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now