Chapter One Hundred-Ten: The Fountain's Broken Promises

413 15 4
                                    

**

Yoo Jeongyeon's Point of View

"Bago to ah? Anong naisipan mo at nagpainom ka?"

Kasama ko sila Lisa, Jennie, at Irene.. nandito kami ngayon sa rooftop ng Academy.

"Marami lang kasing tumatakbo sa isip ko." Maikli kong sagot bago lagukin ang natitirang alak sa baso ko.

Tumango lang sila dahilan para mabilis na bumigat ang atmosphere sa paligid.

Ang tanging maririnig lang ay ang ingay ng mga ibon at ang lagaslas ng mga dahon na nadadapuan ng preskong hangin na tumatama sa mga balat namin..

"Gusto kong ipaalam sainyo na aalis ako." pagbasag ko sa katahimikan na naging dahilan ng pagkunot ng noo nilang tatlo.

"Eh?" Bahagya pang tumagilid ang ulo ni Irene.

Tumikhim ako bago ulitin ang totoong dahilan kung bakit naisipan kong magpainom ngayon.

Kailangan ko kasi ng lakas ng loob para masabi ko ito sakanila, at nagkakaroon lang ako non kapag nababahidan ang lalamunan ko ng alak.

"Matagal ko ng pinagiisipan kung dapat na ba akong sumama kay Mom sa States pero hindi ko lang yon matuloy dahil bukod sa may responsibilidad ako sa kontinenteng pinamumunuan ko.. ay may responsibilidad din ako sa Reyna na nakatalaga sakin, pero kung ganito lang naman ang magiging sitwasyon ay mas mabuti pang takasan ko nalang ang tungkulin ko.." Panimula ko, wala namang kumikibo sakanila. "Alam nyo kung gaano kahirap para sakin ang sitwasyon namin ni Nayeon.. tuwing papasok ako sa Council's office ay sinasadya nyang lumabas. Hindi na halos tayo nakakapagpulong nitong mga nakaraang araw dahil sa sitwasyon naming dalawa, ayaw kong madamay kayo dahil lang sa mga nagiging aksyon ko.. bilang Hari ay gusto kong umalis na sa paaralan para naman hindi na mageffort pa si Queen Taeyeon na laging sunduin ang anak nya at pilit na palayuin sakin." Bumuntong hininga ako bago uminom ulit sa basong hawak ko.

"Kinausap ko kayong tatlo tungkol dito dahil bukas na ang alis ko-" napapikit ako ng makaramdam ako ng biglaang hapdi sa kaliwang pisngi ko.

Nang idilat ko ang mata ko ay matunog akong napalunok ng makita kong umiiyak na pala silang tatlo..

Tumayo si Jennie bago ako pagsasapukin sa braso habang patuloy parin sa pagiyak, hinawakan ko ang mga kamay nya habang pilit na  pinahihinto ito.

"Pabo! Pabo! Pabo!" Paulit ulit nyang sabi bago naman ako sipain ng sunod-sunod.

Tiniis ko nalang ang lahat ng sakit dahil alam kong kasalanan ko naman.

Pinangako namin sa isa't isa na sabay sabay kaming gagraduate sa Academy na ito.. ako pa ang nagpauso ng pangakong yon tapos ako lang din naman pala ang mauunang bumali.

Ng mapansin kong humina na ang mga pagsapok nya ay mahigpit ko syang yinakap dahilan para mas lumakas ang pagiyak nya.

"I hate you.." rinig ko pang bulong nya habang ramdam ko ang nanghihina nyang paghaltak sa dulo ng T-shirt ko.

Ramdam ko na ang paginit ng mata ko pero mabilis akong tumingin sa kalangitan.

"Patawad.." Hinalikan ko sya sa ulo bago ko sya alalayan paupo sa inuupuan nya kanina.

Tahimik lang si Irene at Lisa habang humihikbi, pinat ko ang mga ulo nila bago ko sila sabay sabay na yakapin.

"Hinihiling ko sa huling pagkakataon na wag nyong sasabihin ito sa iba lalo na sa Baraha.." ramdam ko ang bahagya nilang pag-iling dahilan para mapangiti ako.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now