Chapter One Hundred-Eleven: Queen's Fate

376 17 5
                                    

**

Kim Dahyun's Point of View

"What the heck?" Kaagad akong napatayo dahil sa sinabi ni Lisa.

Tumango sya habang nangingilid ang luha.

Kaagad akong napatingin kay Sowon bago 'ko makagat ang ilalim ng labi 'ko.

Kinakausap nya rin si Seulgi habang kavideo call 'to.

Kaagad akong umakma na tatakbo palabas pero kaagad na nagsalita si Jennie.

"Saan 'ka pupunta?"

Seryoso akong tumayo ng tuwid bago ako tumingin sa direksyon nya.

"Sigurado akong inaakala nilang dalawa na kaya nilang mawala ang isa't isa.. pero sa oras na mangyari na." Napailing ako. "Hindi 'ko kayang umupo lang sa isang tabi at maghintay sa mangyayari.. kailangan 'kong kumilos." Bago ako nagmamadaling tumakbo palabas.

Nang makarating ako sa sasakyan 'ko ay nakita 'ko kaagad ang umiiyak na si Sana sa loob ng sasakyan nya.

Kaagad 'kong inistart ang engine pero bumaba muna ako at kumatok sa window shield ng kotse nya.

Kaagad syang lumingon saakin bago nagmamadaling bumaba sa sasakyan nya.

"D-Dahyun.."

Napalunok ako. Ibig bang sabihin ay ako nalang talaga ang hindi nakakaalam na aalis na si Jeongyeon?

"Nasaan si Jeongyeon? Kailangan 'ko syang makausap." Seryoso 'kong sabi. Ngumuso sya bago umiling.

Dahilan para makuha 'ko ang ibig nyang sabihin.

"N-nakaalis naba sya?" Nanghihina 'kong tanong.

Nakagat nya ang ilalim ng labi nya bago sumandal sa sasakyan nya.

"K-kani-kanina lang. Pinigilan 'ko sya pero.. w-wala akong nagawa." Kaagad 'kong nagulo ang buhok 'ko bago 'ko hampasin ang sasakyan 'ko.

"Shit!" Kaagad akong nagpaalam sakanya at nagmamadaling pumasok sa sasakyan 'ko.

Magsasalita palang sya ay pinaandar 'ko na.

'Wala akong oras na dapat sayangin.'

Kaagad 'kong ipinasak ang earpiece sa tenga 'ko bago 'ko 'to pindutin.

[Yoboseyo?]

"Are you insane?!" Kaagad 'kong bungad nang sagutin nya ang tawag. "Bakit hinayaan mo syang umalis?! Sigurado ako na hindi aalis 'yon kung pipigilan mo, Nayeon! Ano bang umiikot sa utak mo? Ano bang plano mo ha?!"

Pero ang sunod nyang ginawa ang lalong nagpainit sa ulo 'ko.

*Tut. Tut. Tut.*

"Fuck!" Bago 'ko ihagis ang earpiece.

'Andwae.'

Kaagad 'kong inihinto ang sasakyan sa harapan ng bahay nila Seulgi.

Alam 'kong kagaya 'ko ay hindi sya mananahimik lang.

At gaya ng inaasahan ay pinagbuksan nya ako ng gate hawak ang laptop sa kamay nya.

"What are you doing?" Kaagad 'kong bungad.

"Are you dumb? Obviously pipigilan 'ko yung eroplano. Kung pwedeng pasabugin 'ko 'yon gagawin 'ko hindi lang sya makaalis."

Napailing ako bago kami dumiretso sa loob.

C6: The Cards And The PlayerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ