One Hundred Twelve: Joke's Fault

393 15 5
                                    

**

Kim Taeyeon's Point of View

"WHAT?!" Nanlalaki ang mga mata 'ko habang nakahawak sa magkabila nyang braso.

"Queen Taeyeon.. p-paumanhin pero totoo po ang narinig nyo ngayon ngayon lang.." pagsingit ng babaeng katabi ni President Sowon..

"W-what? I-i need an explanation.." ramdam na ramdam 'ko ang pag-init ng dalawang mata 'ko bago ako mapaupo sa swivel chair 'ko.

Napatingin ako sa nanginginig 'kong mga kamay..

"Q-queen Taeyeon.. si Queen Nayeon ay pinagtangkaan ang sarili nyang buhay.. kung hindi sya nakita ni Dahyun ilang segundo pagkatapos nyang mawalan ng malay ay baka-" lumingon ako sa babaeng nagsasalita sa gilid ni Sowon.

"Where is she? Saan syang hospital dinala?!" Bago ako tumayo pero napahawak rin ako sa lamesa ng makaramdam ako ng hilo.

'Nayeon..'

Inalalayan nila ako papunta sa labas ng building at saka kami pumasok sa sasakyan.

Hindi na sila nagsalita pa dahil sinigurado 'kong wala ng kakausap pa saakin..

Nakadungaw ako sa lateral window habang pinipigilan ang luha sa mga mata 'ko..

'Nayeon.. bakit.. bakit ka magpapakamatay para lang sakanya? H-hindi mo ba naiisip ang mararamdaman ng sarili mong ina kapag nawala ka? Hah?'

Hindi 'ko na napigilan pa ang luhang tumulo sa parehas 'kong mata..

Kaagad akong nag-iwas ng tingin ng mapatingin saakin si Sowon..

Hinawakan nya ang pisngi 'ko bago tanggalin ang luha dito..

Humanga pa ako dahil sya lang ang nag-iisang taong nakagawa sakin non bukod sa dating presidente..

"Paumanhin sa paghawak 'ko sa inyo, Mahal na Reyna.." lalo akong naiyak dahil sa nangingilid nyang luha sa mga mata.. "Pero gusto 'ko sanang humiling na pigilan nyo muna ang mga 'yan dahil baka maubos 'yan pag nakita nyo na ang kalagayan ni Nayeon.."

Muli akong nag-iwas ng tingin..

"Hindi ako iiyak sa harap nya, Sowon. Bakit nya ginawa iyon? Hindi nya man lang ba naisip na kahit wala si Jeongyeon ay narito naman ang ina nya? Handa 'ko syang damayan sa lahat ng bagay.." nakagat 'ko ang ilalim ng labi 'ko dahil sa inis na nararamdaman 'ko.. "Hindi nya man lang ba inisip ang mararamdaman 'ko kung natuluyan sya? Hindi nya man lang ba naisip na sya nalang ang nag-iisang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay?! Hindi nya ba-" ako rin ang huminto ng muli nyang punasan ang luha 'ko.

"Mahal naming Reyna.." nakangiti nyang sabi bago hawakan ang mga kamay 'ko.. "Alam 'ko kung gaano nya kamahal si Jeongyeon at kung gaano ka rin nya kamahal.. pero.. siguro ay iba talaga ang pagmamahal sa magulang at pagmamahal sa taong inibig mo ng halos sampong taon.." hindi 'ko pinahalata ang pagkabigla 'ko.

"Sampung taon?" Ang akala 'ko ay neto lang nahulog ang loob nya kay Jeongyeon..

"Sampung taon na nyang iniibig si Jeongyeon.. ganon rin si Jeongyeon sakanya.. at sa tingin 'ko ay nagulo lamang ang lahat ng nagtangka ng umamin si Nayeon.. dahil simula non ay nagbago na ang lahat.. hindi na sila nag-uusap.. iniiwasan nya na si Jeongyeon.. nagbago sya ng pananamit.. ultimo ugali nya ay sinubukan nyang baguhin."

Hindi ako nagsalita.. pinanatili 'ko ang composed 'kong ekspresyon dahil alam 'ko naman na ako ang dahilan kung bakit nagbago si Nayeon.. ginusto 'ko 'yon. Pinigilan 'ko sya dahil ayaw 'kong masaktan sya.. pero bakit.. bakit parang ako pa lalo ang nakapagpalala ng mga pangyayari?

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now