Chapter One Hundred: Nightmare

421 15 0
                                    

**

Kim Taeyeon's Point of View

Nakatitig ako mula sa malayo.. sa isang babaeng nakatitig sa isa pang babaeng kinakausap nya.

Nakikita 'ko kung paano magningning ang mga mata nya habang ngiting ngiti ang bibig na nakatanaw sa babaeng iniibig nya.

"Scared?"

Hindi ako nagsalita at muling tiningnan ang scenario sa harapan 'ko.

Narinig 'ko ang malakas na pagtawa ng babae sa tabi 'ko.

"Aalagaan naman sya ni Yoo Jeongyeon."

Nanatili akong tahimik at patuloy lang sa pagtitig sa anak 'kong nakikipagharutan sa babae sa harap nya.

"Bakit sa dinami-rami ay ang anak 'ko pa?" Muling natawa ang babae sa gilid 'ko.

"Natatakot ka?" Napalunok ako. "Kasi nakatakas 'ka nga noon, ang anak mo naman ang tumatanggap ng kaparusahan ngayon?"

Napatingin na ako kay Hani.

"Mali ba ang ginawa 'ko?" Naramdaman 'ko ang pag-init ng gilid ng mata 'ko.

"Mali? There's no such thing," Seryoso nyang sabi. "Hindi 'ka lang nag-iisip.."

Nakita 'ko ang pagtagilid ng mukha nya.

"Kulang 'ka nga ba sa pag-iisip o sumobra ka? Sumobra 'ka sa mga theories mo.. sumobra 'ka sa pagiwas.." napahinto sya bago napangiti. "Sumobra 'ka sa pananakit sa taong tunay na minamahal mo." Kasunod non ay ang malakas nyang pagtawa.

Lumikot ang iris ng mata 'ko ng maramdaman 'kong tutulo na ang luha 'ko.

Hindi ako makapapayag na makita nya ang matagal 'ko ng tinatagong luha sa mga mata 'ko.

Saakin nalang 'to. Tutal.. ako naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

Muli akong tumitig sa harap 'ko bago 'ko maramdaman ang marahang paghawak ni Hani sa balikat 'ko.

"18 years.. 18 years mo ng tinatago ang tunay mong nararamdaman.. hindi ba.. nakakasawa?" Napanguso na ako kasunod ay ang sunod sunod na pagtulo ng luha 'ko.

Napakagat ako sa labi 'ko ng humikbi na ako.

"Everything happens for a reason.."

Ang sadsad nang quotation na lagi nyang sinasabi.

"18 years 'kang nagdurusa dahil sa babaeng mahal mo naman.. pero sinaktan mo dahil natatakot ka sa mapanghusgang tingin ng tao.."

Narinig 'ko ang mapait nyang pagtawa.

"Umaasa ako na hindi mo hahayaang magdusa ang anak mo.. gaya ng pagdurusang nararanasan mo."

Sumeryoso ako bago 'ko punasan ang mga luha sa pisngi 'ko.

"Ngayon palang.. sinasabi 'ko ng wala 'kang aasahan."

Kasunod non ay ang direkta kong pagtingin sa mga mata nya.

"Kung magdurusa sya katulad 'ko ay mas katanggap tanggap sa paningin.. hindi 'ko hahayaang umibig sya sa isang babae.. babae na kauri nya. Gagawin 'ko ang lahat para hindi sya mahusgahan ng mga demonyong sinusunog na ang kaluluwa rito sa impyerno.."

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now