Chapter Forty-Four: Playground

483 24 0
                                    


***

Son Chaeyoung's POINT OF VIEW:

"Heyya!" Napalingon ako sa babaeng sumigaw.

"Yes?" Tanong 'ko. Napakunot ang noo 'ko ng makita 'ko si Seungyeon dito sa university.

"Where's Jeongyeon?" Tanong nya.

"In the rooft-" hindi pa 'ko natatapos sa sasabihin 'ko ay hinalikan nya na ako sa pisngi.

"Thanks!" Napangiti ako ng makitang ikinakabit nya palang ang sandals nya habang tumatakbo paalis.

Habang naglalakad sa hallway ay lumilingon lingon ako sa paligid.

Muling naghahanap ng mapaglilibangan..

"HAHAHAHAHA!" Kaagad na nakaagaw sa pansin 'ko ang malakas na tawa ng isang babae.

Paglingon 'ko sa playground ay nakita 'ko roon si Mina Myoui na nakaluhod sa lupa habang pinagtatawanan sya ni Park Jihyo.

"Ang tanga tanga mo naman! Magsu-swing ka nalang sinasabay mo pa katawan mo sa paghagis!"

Napangiti ako ng makitang tuwang tuwa si Park Jihyo bago alalayan si Mina Myoui.

Nagtago ako sa bridge nang may lumapit sakanilang guwardiya.

"Mina, pinapatawag daw ako ni Mom, gusto mo sumama?" Ngumiti lang sakanya si Mina,

"No thanks."

Umalis si Jihyo ng patuloy na iniimitate yung pagkakahulog ni Mina sa swing.

Nang wala na syang kasama ay tumitig sya sa langit.

Ilang segundo syang hindi gumagalaw roon na nakapagpakunot sa noo 'ko.

'Ano ba ang iniisip nya?'

Habang nakatitig ako sakanya ay nakaramdam ako ng presensya sa kung saan.

Mabilis akong lumingon sa music room.

Kumunot ang noo 'ko ng makitang nakatitig si Sana kay Mina.

'Why is she staring at her?'

Seryosong seryoso sya habang may isinusulat pero hindi sya lumilingon sa papel na sinusulatan nya at nakatingin lang kay Mina.

Maya maya ay lumingon sya sa paligid kaya agad akong nag iwas ng tingin bago ako tumalikod.

Paglingon 'ko ay wala na sya..

Napatango ako. Baka iniintindi nya na ang binigay sakanyang misyon.

"Jack Chaeyoung?" Napalunok ako ng makarinig ako ng nagsalita.

Lumingon ako sakanya dahilan para mabilis syang mapayuko.

"Bakit 'ka naririto, Umji?" Tanong 'ko.

"Kayo ang dapat 'kong tanungin nyan.." Seryoso nyang sabi. "Dito ako in-assign ni President Sowon upang maghanap ng karapat dapat na maging alas sa baraha.."

'Karapat dapat?'

"Sa playground?" Tanong 'ko. Ngumiti sya bago mapakamot sa ulo.

"Opo. Pero bakit ho kayo nandito? Hindi po ba't pinatatawag po kayo sa council?"

Kumunot ang noo 'ko.

"Ako?" Tanong 'ko. Tumango sya.

Hindi ako nagsalita. Nakita 'ko ang paglingon nya sa paligid.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now