Chapter One Hundred-Five: ♡

475 11 2
                                    

(Rinerequest ng mga SinHyo shippers dyan..)

**

Hwang Eunbi's Point of View

"Ano ba naman yan!" Nakamot 'ko ang noo 'ko dahil sa biglaang pagsigaw ng babae sa tabi 'ko, "Ang akala 'ko pa naman ay makakapunta na tayo sa restaurant na sinasabi mo!"

"E hindi ko naman alam na bigla 'tong titirik dito. Sa gitna pa talaga ng daan." Inis 'kong sabi habang tinutulak ang sasakyan 'ko,

Nasa tabi 'ko sya habang nagtutulak rin, kaya reklamo ng reklamo.

"Eto na nga ba ang sinasabi 'ko, dapat talaga hindi na 'ko sumama sayo. Haist."

Hindi na ako nagsalita pa at patuloy nalang na nagtulak ng sasakyan,

Ang isang kinaaasar 'ko pa ay rito kami tumirik sa madilim na bahagi ng talahiban.

"Bakit ba kasi ganito ang daan sa lugar na 'to?! Plano mo 'to no?! Re-rapein mo ko no?!" Naitiim 'ko ang bagang 'ko dahil sa asar,

Yung pagod na pagod 'ka na tapos daldal pa ng daldal yung katabi mo.

'Shit.'

Kaya siguro parang masama ang pakiramdam 'ko kanina e.

Napalunok ako ng maramdaman 'ko ang pagtitig nya saakin,

Saka ako nag-iwas ng tingin,

Siguradong naririnig nya na ang exaggarated 'kong paghinga.

Tumigil sya sa pagdaldal bago ako hawakan sa likuran.

"Ayos 'ka lang?" Sunod sunod na mariin na pikit ang nagawa 'ko bago ako tumango at nagpatuloy sa pagtulak sa sasakyan,

Pasimple 'kong minamasahe ang dibdib 'ko pag nag-iiwas sya ng tingin..

Ilang minuto rin kaming nagtulak pero parang walang katapusan ang daan na 'to kaya naman wala narin kaming ibang nagawa kundi ang ihinto ang sasakyan.

"Oh." Kaagad 'kong kinuha ang tubig na iniabot nya bago 'ko 'to lagukin.

Naririto na kami ngayon sa loob ng sasakyan, inilock namin ang mga pinto, pinatay rin namin ang ilaw, nakatulong pa ang tinted na salamin ng sasakyan 'ko para hindi kami makita ng mga magtatangkang pumunta sa sasakyan namin.

"Wala 'ka bang dalang phone?" Tanong nya saakin kaagad akong tumango.

"Camera lang ang dinala 'ko."

Inis syang kumamot sa ulo nya bago mag-iwas ng tingin.

"Nag-casual dress pa naman ako tapos ganto lang pala ang mangyayari saatin. May pa friendly friendly date ka pa kasing nalalaman e hindi naman tayo friends." Hindi 'ko na pinansin pa ang sinasabi nya,

Sumandal nalang ako sa upuan 'ko bago ako humanap ng antok.

"Yah!! SinB! Bakit ka matutulog?! Paano kung bigla nalang may pumunta ditong mga tao? Anong gagawin 'ko!"

Hindi 'ko na sya inintindi pa, masyado akong pagod para intindihin ang mga hinaing nya sa buhay.

Wala pang ilang segundo ay nakatulog na ako,

Pero pagkalipas rin ng ilang minuto ay nakaramdam na ako ng malalakas na hampas kaya kaagad akong dumilat.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay kaagad na kumunot ang noo 'ko ng bigla nyang takpan ang bibig 'ko bago sumenyas ng wag akong maingay,

Kaagad akong sumeryoso bago ako umupo ng maayos.

Naririnig 'ko na ngayon ang sunod sunod na footsteps mula sa likuran ng sasakyan namin.

C6: The Cards And The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon