Chapter Eleven: The Unknown

548 28 0
                                    


**





Unknown Person's POINT OF VIEW:





"Nagtagumpay ka ba sa pagpapadala nang banta?"


Umupo ako sa harap ng lamesa sa tapat ng inuupuan nya,


"Nagtagumpay ako," sagot 'ko. Napabuntong hininga sya pero wala nang lumabas na salita sa bibig nya.





Ilang segundo pa bago ulit sya magsalita,





"Pagkatapos ng pagkawala ni Perez ay wala na 'kong nabalitaan pa mula sayo, ano sa tingin mo ang ibig 'kong sabihin?" Tanong nya.. Napatitig ako sa malalim nyang mga mata, "Hindi kita pinapapasok doon upang wala lang gawin, nakasalalay sa'yo ang kinabukasan ng buong hilaga"





Yumuko ako bilang pag galang,







"Kikilos nadin po ako ngayon din."



--


"Hah?? Minaaaaa! Sa oras na malaman nila na ikaw ang pinadalhan ng threaten note mayayari tayo!"




"Ayaw 'ko, hindi nila malalaman."




"Hah? Kailangan nilang malaman!!"





"I said no!"





Kasalukuyan akong nakatingin sa dalawang babaeng nagsisigawan,




"Bakit ba? E sa ayoko e!" Sabi ni Mina Myoui bago sya maglakad nang mabilis, pero agad syang sinundan ni Park Jihyo,





"Hindi mo 'ko naiintindihan e! Hanggang hindi nila nalalaman na sayo pinadala 'yang threaten note na 'yan wala silang clue kung ano ang dapat nilang gawin at kung kaylan aatake ang mga taga-hilaga!" Pero tinitigan lang sya ni Mina Myoui na parang iritang-irita 'to sakanya,




'Tama Mina Myoui.. Tama ang ginagawa mo, patuloy akong papatay para sa huli ay ikaw ang masisisi..'




"Pwes. Kung ayaw mong sabihin ako ang magsasabi!" Agad akong pasimpleng sumunod sa tumatakbong si Park Jihyo, nakasunod sakanya si Minari Myoui,





Nasa dead end na ako ng building kaya hindi na 'ko nakasunod pa sakanila,





'Park jihyo, Ikaw ang makakasira ng mga plano 'ko.'


-

Mina Myoui's POINT OF VIEW:





"Jihyo! Stop! I said stop!" Pero patuloy padin syang tumatakbo nang mabilis,





Nang abutan 'ko sya ay nasa rooftop na kami,





"Jihyo!" Sigaw 'ko nang lumapit sya sa nakatalikod na babae.. Nakaupo 'to sa semento ng rooftop,





Automatiko kaming napayuko nang humarap si Player Minatozaki Sana,





"Anong maipaglilingkod 'ko sa inyo magagandang binibini?" Tanong nya na hindi naaalis ang ngiti sa labi.





"A-ah-" bago pa makapagsalita si Jihyo ay tinakpan 'ko na ang bibig nya,





"Pagpasensyahan nyo na po ang kaibigan 'kong 'to.. Hindi po kasi nakainom ng gamot." Buong lakas 'kong hinaltak si Jihyo habang nagpupumiglas sya,





"Bakit hindi mo sya hayaang magsalita? Ms. Myoui?" Napahinto ako ng magsalita na si Player Minatozaki Sana, ayokong nagtatawag ng buong pangalan pero nagagawa 'ko ng labag sa kalooban 'ko.. Required daw kasi yon bilang simbolo ng pag galang sa mga nakatataas.



d-_-b



Automatic 'kong nabitawan si Jihyo, tirik na tirik ako sakanya pero hindi sya lumilingon sakin.





"Ano 'yon Ms. Park?" Tanong ni Player Minatozaki Sana,





"A-ahh.. Magtatanong lang po sana ako kung.. K-kung nakita nyo po ba si Ms. Chou Tzuyu," hindi ako nagpahalata na nagulat sa tinanong ni Jihyo nang nilingon ako ng babae sa harap namin,


"Parang nakita 'ko sya sa canteen kasama si Ms. Hirai Momo," nakangiti nyang sagot..





Yumuko lang kami ni Jihyo bago kami maglakad paalis,





"Pasalamat 'ka natakot ako sa presensya ni Player Minatozaki Sana," bulong nya nang makalabas kami sa building na pinasukan namin,




"Bakit kaya sya lang ang nasa rooftop?" Tanong 'ko.





"Narinig 'kong may pinag-uusapan na importante ang council at ibang myembro ng cards."





Napatango nalang ako,







'Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? '





**

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now