Chapter Seventy-Four: The New Member

409 18 0
                                    

**

Mina Myoui's Point of View

Mabilis akong napatayo sa kama ko ng makita ko ang oras sa alarm clock ko.

Aish.

7:45 na!

Kinuha ko ang cellphone ko ng magring ito.

"Bakit hindi mo ko ginising!?" Asar kong tanong kay Jihyo ng sagutin ko yung tawag nya.

["Hoy, ginising kita no! Ang tagal tagal mo lang magising kaya nauna na ako, tumawag ako kasi gusto kong ipaalam sayo na open gate pa, kaya bilisan mo na dyan, hihintayin na lang kita dito sa gate tutal wala namang first subject,"]

Agad kong pinatay ang tawag at mabilis na dumiretso sa banyo.

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis, sinigurado kong kumpleto ang lahat ng gamit sa bag ko bago ako tumatakbong dumiretso sa kusina pero napahinto ako ng wala akong nakitang pagkain sa lamesa.

What the heck mom?

Tumatakbo akong bumalik bago ko buksan ang door ng pinto ni mom.

Nakita ko sya don na mahimbing na natutulog.

'Hays. Day-off nya siguro,'

Kinuha ko na lang ang susi ng kotse nya bago ako tumatakbong lumabas.

Ang sabi sakin ni SinB ay mahalagang araw daw ngayon kaya hindi ako pwedeng umabsent.

Hays, bakit ba kasi ako nagpuyat kagabi?

Finull speed ko na ang kotse dahil paglalakad pa lang sa loob ng academy ay ilang minuto na.

Napahinga ako ng maluwag ng makita kong open gate pa.

Idiniretso ko na muna ang sasakyan sa parking lot bago ako tumatakbong bumalik sa gate 1 pero napaupo ako sa lupa ng makita kong nakasarado na ito.

Nang tignan ko ang oras sa cellphone ko ay 5:00 na pala.

Nanghihina akong naglakad pabalik pero mabilis akong napahinto ng may marealize ako..

Kinuha ko ulit ang cellphone sa bulsa ko.

Bakit 5 o'clock ang nakalagay dito?

Hindi to pwedeng magkamali dahil naka automatic ang date at time nito.

Napakunot ako sa noo ko ng inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Magliliwanag pa lang kaya sigurado akong tama ang oras sa cellphone ko.

Kaya pala tulog pa si Mom..

Agad kong dinial ang number ni Jihyo pero hindi nya ito sinasagot.

"Ano bang trip mo Jihyo?" Asar kong sinabunutan ang sarili ko.

Ang aga kong nakapasok dahil sa babaeng yon.

Hindi ko manlang napansin ang kulay ng langit dahil sa pagmamadali ko.

'Park Jihyo humanda ka sakin mamaya..'

Lumapit ako sa gate ng marealize kong walang guard dito.

Weird..

Usually ay 24/7 na may guard dito para masecure ang academy pero bakit wala ngayon?

Im so confused right now..

Kinuha ko ulit ang cellphone ko dahil si Jihyo lang ang makakasagot ng mga katanungan ko pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi nya na naman ito sinagot.

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now