Chapter Ninety-One: The Commemorative Ring

427 20 4
                                    

**

Kim Dahyun's Point of View

'Kahit naman ngayong alam mo na ay wala paring magbabago, dahil kahit kailan ay hindi naman magiging ako ang mahal mo, lagi mong tatandaan na wala kang kasalanan sa mga bagay na pinagdadaanan ko ngayon.. kasalanan ko to, dahil ni minsan ay hindi ako nagdalawang isip na kontrahin ang nararamdaman ko para sayo..'

Ilang araw na ang nakakaraan simula nang magkita kami ni Sana at hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang mga huling salitang sinabi nya..

Hinawi ko ang buhok ko bago ako umupo sa gilid ng fountain.

Naasar ako.

Kinuha ko ang bato sa gilid ko at ipinukpok yon ng ipinukpok sa ulo ko hanggang sa magdugo ito.

Ganito ba kasakit ang nararamdaman ni Sana?

Marahil hindi.

Siguradong mas masakit pa dito ang nararamdaman nya kapag sinasabi ko sakanya kung gaano ko kagusto si Momo..

Hinawakan ko ang sugat sa gilid ng noo ko, diniinan ko yon ng sobra hanggang sa makaramdam ako ng sobrang sakit.

Kahit na sabihin nya na hindi ko dapat sisihin ang sarili ko ay hindi ko pa rin maiwasang gawin yon.

Kung mas nag-ingat lang ako sa mga ginagawa ko ay sana ay hindi ko sya nasaktan..

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko pero napahinto ako ng makita ko ang pangalan na nakasulat dito.

'Momoring~'

Naalala ko.

Eto nga pala ang panyong binigay nya sakin noong nakita nya akong umiiyak noong umpisa palang ng pasukan.

Unang pagkakataon na makausap ko sya.. ulit.

Ibinalik ko ang panyo sa bulsa ko.

'Isasauli ko na lang sakanya to mamaya..'

Tumayo na ako at didiretso palang sana sa banyo ng makasalubong ko si Chaeyoung.

"Pinapatawag ang lahat sa-" hindi nya pa natatapos ang sasabihin nya ay napahinto na sya ng makita nya ang sugat sa gilid ng noo ko.

Hinawakan nya ang baba ko bago nya ako iharap sakanya.

"Napano yan?" Tanong nya sakin bago maglabas ng panyo sa bulsa nya at punasan ang pisngi ko papunta sa sugat ko.

"Wala, may nakatama lang.." maikli kong sagot.

"Tara, samahan muna kita sa clinic.." mabilis akong umiling.

"Hindi, wag na. Kaya ko naman eh, malayo sa bituka.." tumango nalang sya kaya naman naglakad na ako paalis pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na naman syang nagsalita.

"Pinapatawag ang lahat ng myembro ng Cards sa Council mamayang 9..kung hindi mo kaya ay sasabihin ko na lang sakanila." rinig kong sabi nya, itinaas ko ang kamay ko habang nakatalikod at patuloy na naglalakad.

"Susunod ako.."

-

Naghilamos ako bago basain ang panyong ibinigay sakin ni Chaeyoung.

Ipinahid ko yon sa sugat ko hanggang sa mawala ang dugo nito, bago ko kinuha ang bandage sa bulsa ko at itinapal dito.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago ko hawiin ang buhok ko..

May mga babae na gustong punuin ang pangangailangan ng puso ko..

Pero bakit ikaw parin ang laman nito?

C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now