Chapter One Hundred-Fifty: Oops

576 15 27
                                    



**

WELL RECOMMENDED!

BGM: Milet [Inside You]

**

Ahn Hyejin's Point Of View:


"Ahn Heeyeon!" Kaagad akong naglakad papalapit sakanya nang simulan n'yang itutok ang katana sa katawan n'yang diretsong diretso ang tayo.

"A-ano bang iniisip mo?!" Sigaw 'ko nang simulan n'yang itarak ang bagay na 'yon sa leeg n'ya na nagdulot nang matinding pagdudugo.


Napahinto ako nang marealize kung ano na ang nangyayari ngayon sa harapan 'ko.


CEREBRUMKINESIS..


Ang nag-iisang taong mayroong kakayahang kontrolin ang isip at galaw ng kahit na sinong nilalang..


Han Go Eun.


"Nagkita na naman tayo.." Napaatras ako nang makita ang unti-unting paglapit ni Hani saakin habang nanlilisik ang mga mata. "Sinabi 'ko naman sa'yo na h'wag ka ng magpapakita sa'kin, diba?"


"..dahil sa susunod na magkita tayo ay hindi na kita bubuhayin pa."


Napalunok pa ako nang maalala ang nakamamatay n'yang mga tingin habang sinasabi saakin 'yon labing walong taon na ang nakakaraan..


Natatakot man ay pinilit 'kong labanan ang kabang nararamdaman 'ko.


Ang mga ganitong klaseng tao ay nangangain ng buhay.. mga taong hindi mo pwedeng pakitaan ng kahinaan dahil ang kahinaan mismo na 'yon ang gagamitin nila laban sa'yo.


Sa ilang dekadang pagkabuhay 'ko ay iba't ibang tao na ang nakilala 'ko.. kung ano-ano narin ang natutunan 'ko sakanila't hindi 'ko maitatangging isa ang mga kataas-taasan sa mga taong 'yon..


"Kamusta 'ka na?" Sa halip na sabayan ang galit n'ya'y ginamit 'ko 'yon upang makipag-usap ng mas maayos.


Kitang kita 'ko ang paglambot ng mga titig n'ya..


"H'wag mo akong tratuhin na parang ako parin ang kataas-taasang kasundo mo noong unang panahon." Sa lahat ng kataas-taasan ay si Han Go Eun ang pinakamadaling makasundo.. s'ya ang pinaka matanda pero pinaka isip bata sa tatlo.


"Bakit.. hindi ba?" Pinigilan 'kong ngumisi. "Ano-ano ba ang nagbago sa'yo sa labing walong taon.. Han Go Eun?"


Hindi 'ko na napigilang mapangiti nang ultimo umakto pa s'yang magku-kwento.


"Bakit 'ka nakangiti?" Inis ang tono n'ya. "May nakakatawa ba sa inuusal 'ko?"


Hindi ako nagsalita't tinitigan lang ang mga mata n'ya.


Si Heeyeon ang tinitigan 'ko sa kasalukuyan ngunit iba ang tunay na may-ari ng mga matang 'yan.


"Meron." Kumunot ang noo 'ko sa biglaang inusal n'ya.. "Mayroong nagbago sa labing walong taon."


Nanahimik kaming parehas nang makuha 'ko ang gusto nyang iparating kahit pa hindi n'ya binanggit..


'Ikaw.. ikaw ang nagbago saakin sa labing walong taon.. Ahn Hyejin.'


Katulad padin ng dati.. ang mga sasabihin n'ya'y hindi padin maaaring makalabas sa bibig, hindi n'ya maaaring maramdaman ang nais n'yang maramdaman dahil gaya ng dati'y nakakulong padin s'ya.. ganoon parin kakapal ang posas, ang kaibahan lang ay iniwan na s'ya ng taong sumubok na sirain 'to..


C6: The Cards And The PlayerWhere stories live. Discover now