"Gagawin mo dun?" Tanong ni Ken.
"Mag-aaral" tipid ko ulit na sagot.
"Na naman? Sure ka bang yun talaga ang dahilan?!" Tanong ni Kerby, na may galit sa boses niya.
"Yes, bakit ano pa ba dapat ang iba kong dahilan?" Baling ko sakanya.
Tumigil siya sa pag lalakad, kaya napatigil rin kami.
Tinitigan niya ako...
"Kung ako yung dahilan, di mo kailangan' lumayo ulit. Ako nalang..." sabi niya sakin.
Naluluha na mata ko pero todo ang pigil ko dito.
"Hahaha! Nako Kerby, di nga kita ma alala, bakit ikaw ang magiging dahilan ng pag alis ko?" Kunwaring tanong ko.
Rinig ko ang buntong hininga ni Ken.
Hinila ako ni Kerby at dinala kung saan. Naiwan yung dalawa.
"Ano ba! Ang sakit na ng kamay ko sa pag ka hawak mo!" Sigaw ko sakanya, pero nilingon lang ako at hila hila parin ako.
Tumigil kami at saka niya ako hinarap.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"You're being too much Snow!!!!" Pasigaw niya sakin.
"Aba! Ano bang ginawa ko sayo?" Pasigaw ko rin' tanong sakanya.
"Bakit kailangan mo na naman' umalis ha!?? Nang dahil na naman ba sakin!? Diba sabi ko naman itigil ko yung kasal namin pero sabi mo na wag na! Pero ano!?? Aalis ka na naman!?" Sigaw niya sakin.
"My goodness! Ang sakit ng ulo ko sayo ha! Ano ngayon kung aalis ako? Wag mong sabihin na ikakabit mo ako kapag kasal na kayo ni Lisa?! Hoy Kerby! Para malaman mo!!! Di kita type! At lalong wala akong pake sayo kahit lima pa asawahin mo!" Pakunwari kong sigaw sakanya
Hinili niya ako papalapit sakanya at saka siniil ng halik!
Hindi ako tumugon! Pilit kong kumalas sakanya at nag tagumpay naman ako! Sinampal ko siya at sinabing...
" ang kapal rin naman ng mukha mo para halikan ako! Ikakasal ka na gago! Isa pa kung balak mo pala akong halikan edi sana nag tooth brush ka muna! Leche!"
Tinalikuran ko siya at nag lakad papalayo.
Ano ako easy to get!??
Gagawin niya akong kabit pag katapos niya akong saktan!?
My goodness! Sa ganda ba naman' ipinagkaloob ng Diyos sa akin...papayag ako!? Ang kapal lang talaga!
At sa susunod na mga buwan na pala ang kasal nila?!! Sure ba siyang di siya na inform sa engagement nila bigla? Haha tang ina!
Bukas na bukas aalis na ako! Tang ina talaga! Bakit ko pa kasi naisipang umuwi dito sa Pilipinas!!!
"Oh Tien, Anong nangyari?!" Nag aalalang tanong ni Ken habang nakabuntot sa akin na nag lalakad.
"Umuwi na tayo, baka makapatay pa ako ng hayop!" Sabi ko sakanya na pasigaw kasi mabilis akong mag lakad. Medyo di siya nakaka habol.
Tumakbo siya para masabayan ako.
"Ano bang nangyari?" Pag uulit niya.
"Wala! Basta hatid mo na ako" sabi ko.
Nakarating kami sa bahay nang hindi ko nasasagot mga tanong ni Ken.
Itanong nalang niya sa pinsan niya! Naubos na energy ko.
"Hatid mo ako bukas sa airport" sabi ko sakanya noong palabas na kami ng sasakyan.
"Bakit!? Aalis ka talaga? Bukas na?" Sunod sunod niyang tanong.
"Oo" tipid kong sagot.
"Wag mong sabihin na siya ulit ang dahilan kung bakit ka aalis?" Tanong niya sakin.
Bumuhos na ang luha ko. Diko na napigilan.
"Ang sakit na kasi Ken, sobrang sakit na. Hindi ko nga alam kung panong gumagana pa yung puso ko, samantalang sobrang durog na durog na to!" Hagulgol kong sabi.
Niyakap niya ako.
"Please, wag kang umiyak. Ako ang nahihirapang nakikita kang umiiyak" sabi niya sabay haplos sa buhok ko.
" I'm sorry, I didn't mean to offend you, sobrang sakit na kasi talaga! Diko na kaya" sabi ko na humahagulgol parin.
"Hindi Tien, hindi sa ganon, ayoko lang na nakikita kang umiyak. Ayoko lang na nakikitang nahihirapan ang mahal ko, kaya nga ako nag paraya para mabawasan ang bigat ng loob mo. Kaya please, mag pakatatag ka para sa sarili mo. Andito lang ako palagi. Ihahatid kita bukas kung yun ang mag papasaya sayo. Kung ang pag-alis mo ang tanging paraan para makalimutan yang sakit na nararamdaman mo." Sabi niya sakin.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya. Sobrang thankful ako na sa kabila ng pag tanggi ko sakanya, andito parin siya sa tabi ko, dinadamayan ako.
Inihatid niya ako sa kwarto ko, at saka umalis rin agad para makapag pahinga raw ako.
Nakipag titigan na naman ako sa kisame...
Unti unting tumulo ang mga luha ko.
Pinunasan ko ito agad at inabot ang selpon ko para i message si Rem.
Sure na ako na aalis ako.
Hindi dahil kay Kerby, kundi dahil sa sarili ko.
Awang awa na ako sa sarili ko.
Hindi man lang kayang mahalin ng taong mahal niya...
Aalis ako, pero babalik rin ako, siguro yung mas matapang na ako.
Pag katapos ng isang taon...
Babalik ako...
At tuluyang mananatili na dito...
Di na ako tatakbo.
Di na rin ako iiyak.
BABALIK AKO.
Pangako...
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
Chapter 13
Start from the beginning
